Naaalala mo pa ba ... (One Shot)

24 0 0
                                    

Naaalala mo pa ba ...

Yung araw na naging mag-bestfriends tayo ? Sabi mo walang taguan ng secrets at bawal ma-inlove sa isa't isa diba ? Kala ko madali lang magsabi sayo ng secrets at hindi mainlove sayo ... 

Pero akala ko lang pala yun ... Hindi pala natin kayang pigilan ang ating nararamdaman .

Naaalala mo pa ba ...

Yung araw na nagkasakit ako ? Diba ikaw nag-alaga at nag-bantay sakin ? Yung mga oras na yun sabi ko sa sarili ko ' Sana lagi na lang ako may sakit, para lagi kita nasa tabi ... ' 

Hanggang sana na lang pala yun ... Dadating din pala ung oras na hindi na kita makikita pang muli .

Naaalala mo pa ba ...

Yung araw na binubully ako ? Binubully ako nun dahil inaagaw daw kita sa kanila .. Diba pinagtanggol mo ako sa kanila ? Sabi mo pa nga ' Wag kang mag-alala , ako lagi ang mag-tatanggol sayo . Hayaan mo lang sila , ang mahalaga masaya tayo . ' 

' Ang mahalaga masaya tayo ' Yan ang laging nakatatak sa isip ko ... Pero kailangan ko din palang burahin sa isip ko ...

Naaalala mo pa ba ...

Yung araw na umiiyak ako ? Umiiyak ako non kasi aalis ka na ... Malayo pa ang alis mo pero damang-dama na ng puso ko ... Yung tipong hindi ka pa naggoo-goodbye sakin pero naririnig na ng tenga ko ... Naalala mo pa ba ung sinabi mo nun ? Sabi mo ' Wag ka ng umiyak . Dadating din ung panahon na magkakasama ulit tayo ... ' 

Masyado akong umasa sa sinabi mo ... Kala ko dadating ung panahong magkakasama ulit tayo ... Yung panahong magka-apilyedo na tayo ... Umasa ako ng umasa kahit hindi ko alam kung may pag-asa ba .

Naaalala mo pa ba ...

Yung araw na nagpadala ka ng sulat sakin ? Sampung taon na akong naghihintay nun sa pagdating mo. Naaalala mo pa ba ung nakalagay sa sulat mo ? Yung sabi mong may surpresa ka sakin ? Yung mga oras na yun hiniling ko na sana bukas katabi na kita ...

Kala ko gusto mo din ako ... 

Naaalala mo pa ba ...

Yung bumalik ka na ? Tinanong ko kung ano ung surpresa mo sabi mo ' May baby na ako ' ... Yung mga oras na yun para bang nadurog ung puso ko ... Naalala ko ung sampung taon kong paghihintay sayo ... Umasa ako pero wala na pala akong pag-asa ... Gusto ko sanang aminin sayo ung nararamdaman ko kaso naalala ko ung sinabi mo na ' BAWAL MAINLOVE SA ISA'T ISA ' 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Naaalala mo pa ba ... (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon