Chapter 90 Part III

10.7K 189 13
                                    

Julie and Lucy

 

 

“magiging ayos lang kaya si ella at jeff?” tanung ko lucy habang nagdridrive sya. Ngumite lang say sakin.

“oo. Ayos lang sila. Hindi naman papayag si Jeff na makipagbreak kay ella.” Bumuntong-hininga sya. “this is the very first time na nakita kong ganun kainlove si jeff, hinding-hindi nya papakawalan si ella.” Aniya.

Ngumite ako pagkatapos ay tumungo sa kanya.

Tumingin ako sa bintana nang hawakan nya ang kamay ko.

“Punta tayo sa bahay.” Nakangiting sabi nya.

Tumungo-tungo ako.

Ilang minutong biaje ay nakarating na kami sa bahay nila. Pagbaba ng sasakyan ay agad na hinawakan ni Lucy ang kamay ko papasok ng bahay nila. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang kamay naming magkahawak.

Matagal na din ang relasyon namin ni Lucy. Masaya ako. Im so happy to the point na ayoko nang isipin na matatapos pa ito.

Pinagbuksan kami ng pintuan ng katulong nila.

Napawi ang ngiti ko nang hawakan ng mahigpit ni Lucy ang kamay ko, kasabay ng pagsulpot ng pamilyar na mukha sa harapan namin.

“Kuya.” Utas ni Lucy.

Ngumese sya pero hindi pinansin si Lucy sa halip ay sakin sya dumiretsyo.

“Hi. Remember me?” tanung nya.

Napanganga ako. Grabe. Hindi padin nagbabago ang itsura nya sa halip mas lalo syang gumwapo.

Tumango-tango ako sa kanya.

“Glenn. Kuya ni Lucy.” Sabi nya. Sumulyap sya kay Lucy na nakakunot-noo na sa kanya, Humigpit ang hawak ni lucy sa kamay ko. Sumulyap doon si Glenn.

“Kayo na? The last time na pumunta ako dito hindi pa ah. Nahuli ako ganun?” natatawang sabi nya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Anu bang sinasabi ng lalaking to?

“So anu? Anu bang nakita mo sa kapatid ko?” biglang sabi nya pagkatapos ay inilapit ang mukha sakin. Nanlaki ang mata ko ng itulak sya ni Lucy palayo.

“Quit it. She’s mine. Tigilan mo na ang pangaagaw mo ng pagmamayari na nang iba. KUYA.” Matigas na sabi nya. Tinaas ni Glenn ang dalawang kamay nya pagkatapos ay tumawa.

“Easy. Hindi ko pa nga sya hinahawakan eh. Tinititigan ko palang.” Utas nya.

Kumunot ang noo ko. Anung klaseng ugali ba meron ang taong to?

“Ehem. Lucy, tara na?” utas ko nang maramdaman na ang galit ni Lucy. Baka mamaya magsuntukan pa ang dalawang to sa sarili nilang bahay.

Sinulyapan ako ni Lucy. “Sa kwarto tayo.Hindi ko gusto ang view dito sa salas.” Aniya pagkatapos ay hinila na ako. Nagpatinaod lang ako sa kanya.

Sandaling nilingon ko si Glenn habang paakyat kami ng hagdan.

Nangilabot ako ng makitang nakatingin sya ng diretsyo samin gamit ang matatalim nyang mata. Napalunok ako ng unte-unteng iangat nya ang gilid ng labi nya. Nakangise syang parang demonyo sakin. Nakakakilabot.

In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon