I've Found Another LOve**[One Shot]

46 1 0
                                    

OO!! Minahal ko siya, ginawa ko ang lahat para sa kanya.

Nagpakatanga ako ng dahil sa kanya.

Nagpakaselfish ako ng dahil sa kanya, na kahit alam kong masasaktan yung bestfriend niya tinuloy ko parin ang paghingi ng tulong nito.. OO!! Alam kong may pagtingin sa akin yung bestfriend niya, ang tanga ko di ba?Naging bridge namin yung bestfriend niya bago maging kami.

Pero ginago niya naman ako eh... Iniwan niya ko at heto ako ngayon nagmomove on pa rin.. Na sana makalimutan ko na siya.

Siya ang first love ko, minahal ko siya ng palihim ng 2 taon,at ayun nga ng dahil sa bestfriend niya naging kami ng siyam na buwan.

SANA!!SANA!! MAKAHANAP NA AKO NG BABAENG HINDING HINDI AKO IIWAN.

---------------------------------------------------------------------------------------------

'YOU MAY NOW GO!!!" sabi ng prof. namin..

Tinatamad talaga ako,wala nga akong nainitindihan sa discussion ni prof. ngayon. Naglalakad ako ngayon sa hallway habang kinakalkal yung bag ko.Asan na ba kasi yung wallet ko...Kalkal ako ng kalkal ng..

...BBBOOGGSHH..

"Aray ko naman!!!" sabi nung babaeng nakabanggaan ko.

"naku!! Sorry miss, di kita napansin eh.!"

"Okay lang" parang familiar sa'kin yung boses ha..Tumingala ako para makita yung babaeng nakabanggaan ko.

"ah!! Sige,alis na ako."

"wait!!" sabay hawak sa braso niya.

"ano yun??" tinitigan ko siya.

"Dana??" sabi ko.

"Ha?! Kilala mo ko??" turo niya sa sarili niya.

"ikaw nga!!"

"Joo...eeyyy???" parang na shock siya.

"ako nga" with matching smile.

"Naku! Pasensya na,aalis na ako!!"

"Bakit?? Dana naman!! Hanggang ngayon ba,iiwasan mo ako??" tanong ko.

"Joey,kasi....." di ko tinapos yung sinabi niya.

"Dana, past is past, i'm trying to move on na naman eh, di na ako hihingi ulit ng tulong sa'yo.Di ka na magiging bridge." sabi ko.

"Joey..kasi."

"ahahaha.. Bakit Dana,crush mo pa ba ako hanggang ngayon??" tanong ko ,aakmang aalis na sana siya,pero pinigilan ko siya.

"Ano ba?? Di na kita crush noh!!"

" ouucchh naman!! Bakit,pumanget na ba ako??" biro ko.

"Di ka pa rin nagbabago,ikaw pa rin yung Joey na mahangin."

"Di nagbago?? Ibig sabihin niyan,gwapo pa din ako, salamat Dana.." pogi sign."ahahahah"

"Ewan ko sa'yo."

Niyaya ko si Dana na pumuntang cafeteria,nag-usap kami ng mga bagay-bagay habang kumakain.Mas naging cute ngayon si Dana. Huling kita ko sa kanya nung farewell party namin nung highschool.Dana is the bestfriend of my ex,naging kaibigan ko din tong si Dana,mabait naman siya,matalino,maganda..

"ahm.. Dana, dito ka ba nag-aaaral??" tanong ko.

"ah!! Sa totoo lang kaka transfer ko lang dito"

I've Found Another LOve**[One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon