Sampung Kembot

146 9 4
                                    

Hi. This is the revised version of my little story! The old one was deleted and I will not post it again.
I revised it for three reasons. First, because there are sentences & phrases which is not appropriate to be said by the character (it was a suggestion from someone actually). Second, because I want to deepen the "feels" of this story which the readers can feel that so called "feels" I am talking about (though I'm not so sure if it's a success "feels" revision. LOL), and the third reason was of course, I revised it for the better! Sorry for the typo, grammatical errors & some corny lines. Don't expect or assume too much, I'm not a proffesional writer! XD

I wrote it because I feel like writing it! LoL

Happy reading!

         ~ keshalilalu ~

****

"'Tol, papalapit nanaman si Donella sayo!"

"Mag-ready ka na 'tol. Pagkakatuwaan ka nanaman ng babaeng yan!"

Napatingin naman ako sa harapan ko saka ako napabuntong-hininga. Papalapit na ang babaeng loyal sa paninira ng araw ko. Tsk. Ipapahiya nanaman ako nito!

Tumigil siya sa gilid ko saka niya ako nginitian ng pagkatamis-tamis. Iyon ang hudyat na mag-uumpisa na siya.

*PRUUUT*

Natigilan sa pagtsitsismisan at paghaharutan ang mga kaklase ko nang marinig nila ang tunog na ginawa ni Donella.

 "Ew Cholo. Ang baho ng utot mo! Mag-cr ka na kaya?" aniya. Napailing na lamang ako. Ang lakas talaga man-trip ng taong ito. Ok lang naman talaga kung ma-trip siya e, pero sana sa iba, kaso bakit kailangang ako pa?

*PRUUUT*

"Yuck. May part 2 pa. 'Nakakahiya ka talaga Cholo!" aniya. Nagtawanan naman ang mga kaklase ko. Nakakainis! Napahiya nanaman ako. Araw-araw na lang niya akong pinapahiya. Kailan ba siya magsasawang pagtripan at pahiyain ako? Buti na lang at tinuruan ako ng mga magulang ko na irespeto ang mga babae. Kung hindi, baka matagal ko nang pinatulan ang babaeng 'to!

Nilingon ko si Donella. Tumingin siya sa'kin... saka niya ako kinidatan.

*Lub dub, Lub dub*

        Isang bagong umaga nanaman. At kasalukuyan ngang nababalot ng komosyon ang classroom namin dahil may biglang naghasik ng lagim.

"Ano ba yan! Sino ba yung umutot? Ang baho!" reklamo ng isa kong kaklaseng babae. Sumang-ayon naman ang iba sa sinabi niya.

"Grabe ka Cholo. Umutot ka nanaman!" sabi ni Donella. Badtrip! Ba't ako na naman? Pambihira.

"Hindi kaya si Cholo ang umutot. Ang epal mo talaga Donella! Ba't ba lagi mo na lang pinapahiya si Cholo? Gusto mo siya 'no?" sabi ng kaklase kong si Rovianne. Kinabahan ako bigla sa narinig ko. Ano kaya ang isasagot niya? Parang hindi ko kayang marining kung....

"Äno Donella? Natahimik ka yata?" dagdag pa ulit ni Rovianne. Sa sobrang kaba ko isasagot niya pakiramdam ko mauutot na talaga ako. Tumingin ako kay Donella, parang kakawala na yung puso ko nang magtagpo ang tingin namin.

Sampung KembotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon