NIGHT"Hey, babe. What were you two doing?" Bungad sa akin ni Summer.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naguguluhan, nababaliw, at naiinis na ako.
Nag-simula akong mag-lakad at hindi pinansin si Summer.
Pero bago pa ako maka-lagpas sakanya ay hinawakan niya na ang braso ko at pinigilan akong mag-lakad.
"What's the problem, Ethes?"
Mahinahon kong itinanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko, "Walang problema, Summer."
Nag-simula na akong maglakad pero napatigil ako sa sinabi niya, "So, this is the last. Finally, gagawin mo na ang inaasahan kong gagawin mo. The first time you asked me to be your girlfriend, I knew you never meant it. You were just confused. Hindi mo alam ang ginagawa mo. You know why I agreed? I said to myself that if this is the way for you to realize what you really feel, I'll do it. The truth is, I care about End. That's why I'm doing this. Not for me, but for her. Alam kong hindi kami close, but for me? Close kami. So, go and get the love of your life, Night." tugon niya na mas lalong nagpagulo sa utak ko.
I was about to walk towards her but she stopped me. "I said go."
"P-pero, Summer.."
"GO, before she leaves, Night!"
"W-what do you mean, Summer?"
"She's heading to London. Because of her sister.. Efida."
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Hindi pwede! Kailangan niyang malaman ang nararamdaman ko! Hindi ko kaya.. natatakot ako. Kapalit na ba ito ng pag-iwan ko sakanya noon? Handa ba ako?
"Go, Night."
Tumango nalang ako at nagpasalamat sakanya. Tumakbo na ako palabas ng dorm. Alam ko kung saan siya pumunta. Sa lugar kung saan kami noon nagkakilala. Sa bridge..
Tumakbo ako nang tumakbo, binalewala ang mga tingin ng ibang tao sa akin. Kung totoo ang sinabi ni Summer, maaaring wala na nga siya doon. Malamang gagawin niya ang lahat makalayo sa akin. Kasi sinaktan ko siya. Sinaktan ko ang babaeng matagal ko na palang mahal.
Pagkarating na pagkarating ko sa bridge ay napaupo nalang ako sa gitna. Napatakip ako sa mukha ko sa pagkadismaya.
"B-bakit mo ako iniwan, End?" Naibulong ko nang hindi ko siya natagpuan doon.
Tinanggal ko ang kamay ko sa mukha ko. Pagbukas ng mata ko ay bumungad sa akin ang malakas na pagbuhos ng ulan. Basang basa na ako.
I took the chance at napasigaw ako sa sakit na nadarama. Napakabading ko dahil naiiyak na ako dahil iniwan na ako ng mahal ko. Ang sakit pala talagang maiwan. Ang sakit pala talaga ng naramdaman ni End noon. Hindi na ako magtataka kung magaya ako sakanya.
Pero hinding-hindi ako magagalit sakanya. Kasalanan ko naman 'to. Kung hindi ko siya sinaktan, kung hindi ko siya iniwan, siguro ngayon maayos kami. Wala kaming problema. Siguro, kami na.
* * *
Habang nandoon sa bridge si Night ay hindi niya alam na nando'n sa malayo si Summer at pinapanood siya. Inaamin niyang nasasaktan siya nang makita niya iyon. At nasaktan din siya dahil hindi siya ang mahal ni Night. Ang totoo niyan ay mahal niya si Night. Isa din 'yon sa dahilan kung bakit siya pumayag na makipag-relasyon kay Night. Pero alam niyang hindi sapat na siya lang ang nagmamahal. Kaya sumuko nalang siya.
Nilabas niya ang cellphone niya. Nagsimula siyang mag-tipa ng mensahe para kay End.
If you ever change your mind. You will see him at the place where you think you'll see him. Just so you know. This IS your last chance.
At pumatak na ang luhang nagbabadyang lumabas sa mga mata ni Summer. Kahit ba na hindi bumalik si End ay hindi niya papatulan si Night, kahit mahal niya ito ay hindi niya magagawang pilitin ang hindi. Kasi ayaw niya na siya ang kasama pero hindi siya ang nasa puso. Ayaw niyang siya ang kausap pero iba ang nasa isip ni Night. Ayaw niyang ipagpilitang mahalin siya ng taong mahal niya.
Habang pinagmamasdan niya ang lalakeng mahal niya, napangiti na lamang siya.
Napakagaling mamili ng puso ko ng mamahalin.
Pero bigla na lamang sumagi sa isipan niya ang isang lalake. 'Yung lalakeng nakilala niya noon sa park. Hindi niya alam pero she had an urge to go to that place. So, she did.
Pumunta siya sa park. At hindi siya nagkamali. That guy, really needs some help.
Humakbang siya ng kaunti papalapit sakanya.
"Broken-hearted?" Bulong nito sa lalake.
Napataas ng ulo ang lalake sakanya at tinaasan siya ng kilay. Natawa na lamang si Summer sa iniasta ng lalake.
"What are you doing here?" Tanong ng lalake sakanya.
Pinagmasdan niya ang lalake na pinupunasan ang sariling luha. Hindi niya mapigilang magtaka kung bakit ito umiiyak. At naalala niya bigla ang babaeng laging tinitignan ng lalake. Si Aros.
Napabuntong-hininga si Summer sa naisip. "Chill, dude. I'm always here." tugon nito.
Walang natanggap na sagot si Summer. Kaya tinignan niya ang lalake at nakitang nakatulala lang ito. She took the chance para mag-tanong, "It's about her, isn't it?" tanong niya.
Nakuha niya ang atensyon ng lalake sa katagang sinabi niya. Sa katotohanang masyadong halata si Hade, ang lalakeng kausap ni Summer. Nalaman agad ni Summer ang rason.
"You knew this would happen. Why are you crying?" Diretsong tugon ni Summer na nagpabigla kay Hade.
"Why do you care?"
Nagkibit-balikat si Summer, "I may act cold but I have a heart, Hade. I care about people."
"You don't know me." Matigas na tugon ni Hade.
Natawa si Summer sa sagot ng lalake, "I don't? Really?"
"I know you more than you know yourself, Hade. I know things that you don't. I notice things that you don't."
。。。
While I was at my house, staring at my phone. Mom, Dad, Efida and Eadan are still packing their things while me, I'm done. I was just sitting on my sofa, staring at my phone. Staring at Summer's message.
I was so confused. I didn't know what to do. My head says no but my heart says yes. Sino ang susundin ko?
"End, We're ready to go."
I moved my sight to them. They were already carrying their suitcases. I just smiled. I placed my phone inside my bag. Then, we started heading to the car.
As we were inside. No one was talking. Everyone stayed quiet. But then, Summer's message came into my mind.
If you ever change your mind. You will see him at the place where you think you'll see him. Just so you know. This IS your last chance.
I closed my eyes. But an image of Summer's message appeared again.
This IS your last chance.
BINABASA MO ANG
Three Letters, One Word (COMPLETED)
Kısa Hikaye"I've always wanted to ask you this, Night." She said, smiling at me. "Why.. why not me?" I never thought one question could leave me speechless.