CHAPTER 29

58 18 20
                                    

Dahil pumayag rin siya, nag-punta kami'ng mall gaya ng sinabi ko. Gamit-gamit namin ang bago ko'ng kotse ng pumunta sa Vista mall.

Pasimple ako'ng sumusulyap kay Devin, nakapamulsa lang siya at diretso ang paningin habang nag-lalakad kami. Kaya naman sa loob-loob ko ay nangingiti ako na kasama ko siya ngayon.

"Doon tayo!" Turo ko sa isang game zone, blangko lang siya'ng tumingin sakin tska tumingin sa game zone.

"You can play inside, I'll just wait for you here." Malamig na anito pero kunot noo ko lang 'tong tinignan. "What are you saying? You're going to play with me. Mukha ka'ng tanga rito kung mag-hihintay ka lang!" Bulalas ko.

"Ayoko eh."

"Sige na! Minsan lang ito oh..." Nakanguso'ng ani ko pero tinignan lang niya ako.

Kakainis! Parang hindi effective yung pag-papacute ko ha?!

"Pinag-bigyan na nga kita'ng mag-mall tapos pati ba naman dian? Go on I'll be right here." Tska siya tumingin sa malayo.

"Come on, Devin! Masaya 'yan! Tara na kasi..."

"No."

"Devin!"

"Bilisan mo na sayang oras."

"Come with me!"

"I said no, tsk!"

Napasimangot naman ako. Tama nga, hindi ko kailanman mapipilit si Devin. Gusto ko pa naman sana'ng kasama siya mag-enjoy. Ano kaya yun? Sumama pa siya tapos ako lang mag-sasaya?

Lalo ako'ng napanguso ng humarap sa game zone. Napabuntong hininga nalang ako bago ulit tumingin kay Devin. "Papasok na ako. Ang KJ mo eh." Asik ko pa at dumiretso nalang sa loob.

Pinaloadan ko ang card ko ng 100 tska nag-libot kung ano ang lalaruin. Sayang! Sana pala sinama ko si Lindon, kaya lang di din makakapag-enjoy yun dahil may saklay.

Una ko'ng nilaro ang indiana jones, tagal ko ng di nalalaro ito. Pag-kakataon ko na!

Makalipas ang ilang minuto ay tuwang-tuwa ako'ng tumayo sa upuan ko, pano one mistake lang ako at ang dami ko'ng ticket!

Sunod na pinuntahan ko ay ang house of the dead. Balot siya ng mga sira-sira'ng kurtina at maririnig mula dito ang sounds na nakakatakot mula 'ron. Naisipan ko'ng pumasok don at umupo. Nakaka-challenge 'to lalo at ako lang mag-isa. Akmang isu-swipe ko na ang card ko ng may humawi sa kurtina kaya naman napatingin ako rito.

"Ooppss... mukha'ng may mag-lalaro, Pre!" Ani ng lalaki'ng humawi ng kurtina.

"Chicks ah? Tara dito nalang tayo."

Tatayo na sana ako ng bigla nila ako'ng pinag-gitnaan. Tumabi sila sa tabi ko at ang isa ay bahagya pa'ng umakbay sa upuan ko. Oh damn!

"Mag-lalaro ka ba? Tara laro tayo." Nakangisi'ng ani ng nasa kaliwa ko, nandidiri ko naman 'yong tinignan. "Kanina mag-lalaro ako, pero na'ng dumating kayo hwag nalang! Tabe!" Utos ko pero tinawanan lang nila ako.

"Sungit mo naman... Maganda't sexy ka pa naman." Saad ng isa sa kanan ko.

Oh my wag nila'ng sabihin na pati dito sa loob ng game zone mambabastos sila? Kung titigna'y mukha sila'ng mga batang Jejemon! May mga cup sa ulo at malalaki ang Tshirts! Yuck!

Hinawakan ako ng isa sa braso kaya gulat ako'ng napaiwas don. "Ang kinis pre..." Usal niya sa kasama.

"Ayaw mo mag-laro? Tara sama ka nalang samin." Ngingisi-ngisi'ng sambit ng isa.

CRIMINAL [Under Major Editing]Where stories live. Discover now