CHAPTER 30

53 17 2
                                    

Naiinis ako kay Devin. Oo alam ko matigas ang ulo niya at walang makaka-pigil pero paano nga kung nahuli siya? Sigurado ako balitang-balita na 'to. At isa pa, hindi ako nag-enjoy!

Wala talaga siya'ng pinipiling lugar at tao...

"Stop the car."

Kumunot lalo ang noo ko sa narinig pero ayoko'ng makipag-diskusyunan kaya pinark ko sa isang tabi ang sasakyan. Walang nag-sasalita kaya naman wala'ng gana ko siya'ng tinignan.

"Oh, you can get out. Thanks sa time." Wala'ng emosyon kong sabi.

Malamig siya'ng tumingin sakin dahilan para maiwas ko ang mga mata ko. "Why are you acting like that?" Tanong niya.

Napa 'tsk' nalang ako sa inis at sumandal nalang sa upuan. "Hindi mo kasi alam kung ano'ng mangyayare... Malamang sa malamang nabalita na 'yong ginawa mo kanina don. Malamang rin 'yan maging wanted ka."

Isa rin yun sa mga naiisip ko kaya ako nabubugnot. Magiging wanted siya at kapag nakita siya ayoko syempre'ng mapahamak siya lalo ang makulong! Kahit pa sabihin niya'ng paiiralin niya ang ka-kriminalan niya ay pag-tutulungan lang siya. Hindi niya naiisip yun I guess dahil para sa kanya, killing is for fun.

"I don't care at all..." Malamig niya'ng ani.

Tumingin ako rito, "You can't just kill someone in front of everyone, Devin. I know you're a criminal and killing is your fun but that will lead you to extreme danger! Don't just say that you'll get rid of them all once they cop you because you know you can't win. It's like you versus the world!" Naiinis ko'ng sabi.

"Let's end this here... It makes no sense at all."

Akmang baba na siya pero pinigilan ko siya. "Devin!" Hindi niya ako pinakinggan, tumuloy siya hanggang makababa kaya naman ganon na rin ang ginawa ko at sinundan siya. "Saan ka pupunta?!" Asik ko.

Seryoso naman siya'ng tumingin. "Don't ever shout at me..." Wala'ng emosyon nito'ng sabi.

Natulala ako. Yung inis ko parang napalitan ng kaba at takot. Heto na naman ang nakakatakot niya'ng tingin...

Nailang ako sa tingin niya kaya bahagya ako'ng umatras. "I just want to know where you're going..."

Bullshit queenie! Masyado ka yata'ng naging maingay at palasalita. Paano nalang kung ayaw niya pala ng ganon diba? Tsk!

Matagal bago siya sumagot.

"Wala ka na'ng pake don."

Nabigla naman ako. "W-What?"

"Stop telling me what should I do... Ayoko sa lahat..." Pabitin niya pa, kinabahan naman ako ng todo 'ron. "Yung pinapakaelaman ako." Dagdag niya.

Medyo napahiya naman ako. Tumungo nalang ako at nilikot ang mga daliri. Bat bigla siya'ng gumanyan? Nangengealam na ba ako? Concern lang ako...

Huminga ako ng malalim at sinalubong ang malamig na malamig na tingin niya, pede na ako'ng manigas sa lamig na binibigay niya, sumobra ba ako? Bakit kailangan niya'ng gumanito?

"O-Okay... I'll go ahead." Sabi ko nalang tska pumihit patalikod. Nakakainis!

Huminto pa ako na'ng makarating sa tapat ng kotse ko, gusto ko'ng lumingon para malaman kung nakatingin pa rin ba siya sakin pero parang naiilang na ako. Sa huli, binuksan ko ang pinto ng sasakyan at pasimple siya'ng nilingon pero ganon nalang ang panlulumo ko na'ng makita'ng wala na siya sa pwesto niya...

Pumasok ako sa sasakyan at inis na inistart yun tska bumyahe pauwi. Damn him! Doesn't he know how to treat a girl nice?! Sa bagay, ano bang iniuumok ko eh si Devin yun.

CRIMINAL [Under Major Editing]Where stories live. Discover now