Year 2017 (PRESENT) - Part X
Patapos na ang araw at kinailangan na nilang magligpit ng mga gamit. Nang naayos na lahat, isa-isa na silang sumakay sa bangka pabalik doon sa unang isla.
Pagkabalik sa van ay si Marco at Vivoree parin ang nasa front seat. Mas pinili kasi ni Edward na pagtuunan ng pansin si Maymay na binuhat niya ulit dahil nahirapan itong maglakad pagbalik. Sila na ngayon ang nasa tabi ng pinto/labasan ng van para hindi gaano mahirapan si Maymay pag lalabas sila.
Halatang nag-enjoy naman ang lahat at dahil napagod at nakatulog na sila. Si Edward at Maymay nalang ang gising, maliban kay Marco. Kahit pa si Vivoree na nasa harap ay tulog din. Napansin ni Edward na parang namimilipit na si Maymay. Naghinala tuloy siya.
"Does it still hurt?"
"Okay lang."
"We'll still bring you to the hospital, okay?"
"Uy hindi na."
"I insist. They'll give you better treatment."
"Pahinga lang to uy. Hahaha"
"Bro. Marco. Can you look for a nearby hospital? Maymay needs further check up."
"Okay bro."
Wala nang nagawa pa si Maymay kundi magpacheck up sa ospital. Isinakay nalang din siya sa wheelchair papasok, kasama niya si Edward. Nagpaiwan nalang ang iba sa van dahil naisip nilang matulog nalang ulit at mukhang mabilis lang din naman ang proseso.
"Ano pong nangyari?"
"Her foot is deeply wounded. She stepped on something of a sharp edge on the beach a while back."
"Okay, Sir. Uhm. Ma'am, i-check ko lang po ha. Tatanggalin ko yung benda."
"Osige po."
"Ano po bang nararamdaman niyo?"
"Sa totoo lang, sobrang sakit po. Kanina pa, mga dalawa o tatlong oras na. Parang yung kalahati ng katawan ko hindi ko po maigalaw."
"Naku, Ma'am. Galing kayo ng Zambales sabi ni Sir sa kasama ko kanina. Malayo na yun dito a? Dapat nagpunta po kayo agad sa pinakamalapit na ospital. Hindi niyo po ba sinabi sa kasama niyo?"
"Hindi po eh. Ayoko pong mag-alala sila."
"Ma'am. Kasi ganto, lumala po ang kundisyon ng paa niyo kasi napabayaan. Halos limang oras na po siguro to mula nung nasugatan ka. Namumutla na po pati legs niyo oh. Tsk tsk."
"Opo Ma'am. Arayy. Ang sakit."
Naluha sa pamimilipit si Maymay dahil sa sakit at hapdi nang linisan ng doktor ang sugat niya. Kagagaling naman si Edward sa van na kinuha ang cellphone at wallet niya kaya hindi niya narinig ang usapan ni Maymay at nung doktor.
Naiwan saglit si Maymay sa emergency room pagkatapos malinisan ang sugat dahil tinawag ng doktor si Edward para kausapin tungkol dito.
"Sir, how are you related to the patient?"
"I'm her . . . . . ano . . . . boyfriend. Yes."
"Okay. So, she just told me that she's been enduring extreme hurt for two hours already before you came here."
"What? Ugh. All the time she said she was okay."
"Uh-huh. She chose not to tell you. Her condition became worse because of that. She must've been brought to any nearby hospitals immediately."
BINABASA MO ANG
Back For You (MayWard) - Completed
FanfictionSa dinami-dami ng nangyari, bumalik siya para magbaka-sakali. Ang nasayang na sandali, maulit pa kaya muli? 💕