FIRST DAY
Umuwi kami sa bahay nila lola sa pampangga para mag bakasyon umabot kami dun mga tatlong linggo dahil matagal tagal nakasi ng huli kami dito dumalaw kaya masyado matagal tagal din kami dito
Habang nag hihintay ma luto ang ni loloto ni lola nag lakadlakad muna kami ng pinsan ko hangang makarating kami sa dulo ng bayan malapit sa abandonadong hotel dahil narin sa sunod sunod na pag bagyo na lugi ang kompanya kaya lumipat nalang sila ng ibang lugar. Yun sabi ng pinsan ko at meron nadin daw na namatay doon na babae na ginahasa ng di pang kilalang lalaki
Simula noon ay hindi na tlg pinaayos ng kompanya ang hotel kaya mistula itong haunted house na hotel inaya ko ang pinsan ko na pumasok sa abandonadong hotel pero ayaw nya pero kinulit ko parin sya at pumayag narin sa sobrang tuwa ko pumasok na kami agad at nag lakad lakad hanggang makapunta kami sa isang lugar na nakakatindig balahibo habang nag lalakad may na pansin akong kakaiba sa isang sulok ng kwarto, niyaya ko ang pinsan ko para tignan ang nasa loob ng kwarto halos walang laman ang kwarto pero may kakaiba hindi ko ikwenento sa pinsan ko ang nararamdaman ko sa paligid kasi ayoko syang matakot pero habang nasa loob ng kwarto napatingin ako sa isang banda na may isang basag na salamin,kinuha ko at inilagay ko sa bulsa ko dahil mahilig akong kumolikta ng mga bagay o gamit na nagpapaalala, pag katapos nun nag yaya na ang pinsan kong umuwi na kami dahil masyado na kaming natagalan at baka hinahanap na kami nila lola
Simula nun naging interisado na ako sa abandonadong mga lugar dahil sa bawat likod nito ay may tinatagong mga pinaka mahahalagang alala at mga kwentong katatakotan simula nung pumunta kami ng pinsan ko ay parang laging sumosunod sa akin, simula pa alng kasi nung bata palang ako
