Tawagin niyo na lamang akong Sunny.
Ito ang aking istorya na nais kong ibahagi ang ilang parte sa inyo. Ang storya ko na kung saan umaasa at nasaktan rin ako. Napagod dahil tao lang naman rin ako. Dito ko napagtanto na hindi siya karapdapat na mahalin ko, ngunit siya lamang ang gustong mahalin ng puso ko kahit na sabi na ng utak ko na tama na.
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Sana
Sana makita at mapagtanto mo na may iba pang nagmamahal sayo.
(Dahil tingin ko siya lang ang nakikita mo kahit narito naman ako)
Nakapuwesto sa malayo at patuloy na pinagmamasdan ka.
(Kahit hanggang dito na lang, sapat na siguro ito)
Patuloy kong pinagmamasdan ang mga kilos mo.
(Upang malaman ko kung ayos lang ang kalagayan mo)
Nakasama mo na rin naman ako.
(Ngunit parang hindi mo man lang nadama, manhid ka kasi)
Nagpakalayo ka
(pero ito ako patuloy lamang sa pagsunod at paghabol sa iyo upang tignan ang bawat kilos mo)
Mukha mang stalker pero admirer pwede pa kasi I admire you a lot nararamdaman ko pa nga na higit pa dun ngunit hindi mo masuklian.
Nagparamdam ako, pinadama ko na may kasama ka at napangiti kita na siyang nagpaligaya sa akin, subalit hindi iyon sapat upang sumaya ka ng pang-matagalan.
Masakit isipin na hanggang dito na lang ako, na hindi kita kasama hanggang paramdam na lang dahil alam ko sa sarili ko na mas masasaktan lang ako kapag akoy muling magpakilala, na hindi lang naman na pagkakaibigan ang siyang habol ko. Siyempre tao lang ako hindi ko maiiwasan na umasa.
May katanungan ako na gusto ko sana na iyong masagot ng personal, na kahit alam ko naman na ang posibilidad na iyong mga kasagutan pero itong makulit kong puso na pilit na nagsasabi sa aking utak na ba ka pwede naman.
Sana ako'y iyong mapansin, o kahit malaman mo na ikaw lang ang sinisigaw ng aking puso. Kahit na ang iyong puso ay sinisigaw ay siya.
Bakit kahit akoy iyong kaharap na ay hindi mo pa rin ko mapansin?
Bakit kahit wala siya sa tabi mo siya pa rin ang iyong hangarin?
Hindi bat siya ang dahilan ng iyong pagluha? Na kung saan kahit anong gawin ko ay hindi magawang punasan.
Bakit pinagpipilitan mo sa kanya ang iyong sarili? Nandito lang naman ako, palaging nasa malayo ngunit nakakasama mo. Palagi akong nakasuod sa iyo na para mo na kong aso na sobra ang pagkaloyal sa kanyang amo.
Maari mo ba akong mabigyan kahit isang tyansa para mapatunayan ko sayo at sa saili ko na karapatdapat din ako?
Kaya kong mag-antay sa araw na lalapit ka sa akin at masasabi mo sa akin na pwede na, yung pwede na nating masimulan ang ating kwentong wala pa simula.
Hanggang tanong na lang naman ako. Ito ang realidad na kung sino yung gusto mo siya yung walang interes sayo at kung sino pa ang may gusto sa iyo ay siya pa yung ayaw mo. Ang kaso rin naman sa akin ay wala rin namang nagkakagusto sa akin, na sa tingin ko na mas ayos na rin dahil hindi ko rin naman siya mapagtutuunan ng pansin.
Ang realidad na sobrang sakit na makapanakit.
Ang realidad na may kasama at mahal kang iba.
Makikita mo ang pagmamahal sa mga mata ko tuwing titingin ako sayo, ngunit ang iyo ay hindi para sa akin. Masaya ako na ngumingiti ka na, pero dahil iyon sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang
Teen FictionSana makita mo naman na may nagmamahal sayo..... Nasa malayo at nakatingin sayo.... At minsan na..... Nakakasama mo.... Nung Ikaw ang lumayo.... Ako naman ang patuloy na sumusunod sayo... Tinitignan ko ang bawat kilos mo... Na minsang nagpaparamdam...