SI JOHN

665 19 0
                                    

Ako si Jon.

Junior HS ako nun. Sa hirap ng buhay sa probinsya namin, araw araw kami naglalakad tuwing pumapasok at pati na rin sa uwian.

Ang layo ng eskwelahan namin ay nasa almost 4km. Bibihira lang kasi mga sasakyan dun kaya nakagawian na namin ang maglakad araw araw. Marami kaming magpipinsan at magkakaibigan. So, masaya naman kahit malayo. Hndi na alintana ang pagud. hndi pa sementado yung mga kalsada sa amin nung panahon na yun. Puro punungkahoy pa ang madadaanan, at may sementeryo pa na lalong nagpapatakot sa mga dumadaan sa tuwing sasapit ang gabi.

Isa sa pinakamasaklap na nangyari sa amin maggagabi na at napakalakas ng ulan. Nasa 7 kami nun naglalakad pauwi. Basa narin kami ng ulan. Pagkalagpas namin ng sementeryo, patawid na kami sa tulay. Hndi naman sya kaatasan kaya madali lang sya abutin ng tubig pag subrang lakas na ng baha.
Nung nasa tulay na kami mismo, anlakas ng tubig sa ilalim. Nakakatakot yung tubig, kahit titigan mo lang eh para kang tatangayin. Habang maingay kami nag-uusap, bigla nalang kami natigilan at nagtinginan nung may narinig kaming kumakanta. Akala namin isa sa mga kasamahan namin ang kumakanta. Pero hndi eh. Pinakinggan namin pero merun tlgang kumakantang bata. At ang kinagulat pa namin ay nanggagaling sa ilalim ng tulay ang boses ng kumakanta.
Imposibleng may mabubuhay at magawa pang kumanta dun sa ilalim ng tulay eh ilog un at napakalakas ng tubig-baha.

Nagkatinginan kaming lahat at dali-daling kumalipas ng takbo. Alam naming lahat na hndi un guni-guni. Sa dami namin, lahat kami, iisa lang naririnig. Imposibleng mangyari. Pero nangyari.

At totoong nangyayari sa piling panahon at lugar.

-sincerely
Jon

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HOROR STORY Where stories live. Discover now