Kanina pa nagsasalita ang teacher sa harapan namin pero hindi ko pa rin magawa-gawang mai-focus ang atensyon ko dito.
Buti na lang at hindi niya ako napapansin kahit na nasa harapan ako.
Malabo kasi ang mata ko kaya lagi akong nasa unahang row ng mga upuan. Wala pa akong salamin. Wala kasing pambili.
Mahirap lang naman kami noh. Nabiyayaan lang talaga kami ng malaking bahay mula nung ipamana sa amin ni Tito Gerald namin ang bahay niya sa amin. Aalis na kasi iyon papuntang America at doon magta-trabaho dahil nandoon ang girlfriend niya. Wala pa kasi siyang asawa eh. Buti na lang at nagkaroon pa siya ng girlfriend.
At sabi niya sa amin ay hinding-hindi na niya iyon papakawalan. Mahirap na at baka habang buhay na siyabmng single.
Pabor naman kami na sundan niya ang girlfriend niya sa ibang bansa since mayaman naman siya.
Kaya nga siya may naipamana sa aming malaking bahay eh.
Patuloy pa rin sa pagdi-discuss ang teacher namin at hindi pa rin ako napapansin. Buti naman.
Hindi ko kasi talaga maalis-alis si Josh sa isipan ko eh.
Siya nga kaya ang naglalagay ng mga rose petals sa harapan ng kwarto ko?
Kung siya...hindi ko alam kung okay lang ba sa akin o hindi.
Wala naman kasing problema sa mukha ni Josh eh. Katunayan nga ay habulin pa siya ng mga babae dahil sa ubod niyang ka-gwapuhan. Pero...the heck! Hindi na siya bago sa paningin ko!
Bibili pa nga lang ako sa tindahan eh makikita ko na agad siya eh. Paano'y naging tambayan na rin nito ang tindahang binibilhan ko. Dito rin siya naggigitara.
Parang hindi man lang nahihiya sa mga nagdaraan. Full of confidence kumbaga.
Kunsabagay, maganda rin naman kasi ang boses niya eh. Dagdagan mo pa na magaling din siya maggitara.
Sa totoo nga eh nagkagusto rin ako sa kaniya dati.
Iyon iyung panahon na kakalipat lang namin. Love at first sight kumbaga.
Lulan kaming buong pamilya ng kotse ni Tito Gerald nung pumunta kami doon. At nung madaanan namin ang tindahan na iyon kung saan nakatambay si Josh ay agad kong nadinig ang napakaganda niyang boses.
Boses na parang nang-aakit. Head turner. Laglag-panty.
Sinabayan pa ng isang napakagandang awitin. Habang nilalaro naman ng mga daliri niya ang bawat tali ng gitara na naglalaman ng iba't-ibang tono.
Simula noon ay lagi ko na siyang inii-stalk. Especially, facebook.
Nakikita ko rin naman siyang napapatingin sa akin minsan. Syempre, maganda ako eh.
Pero higit doon? Wala na. Hanggang tingin lang siya sa akin. Naggagandahan lang siguro.
Pero crush?
Hindi iyan.
Ramdam ko rin naman na iba ang gusto niya at hindi ako eh.
Kung sinoman ang masuwerteng babaeng nakahuli sa puso ni Josh ay hindi ko alam. Pangalan lang niya ang alam ko. (ti-mi). Hindi ko pa alam ang i-spelling.
Iyon ang narinig kong pinag-uusapan ng mga barkada niya nung matiyempuhan ko siyang nakikipagkuwentuhan sa harapan ng tindahan.
At mula noon ay pinigilan ko na ang nararamdaman ko para sa kaniya at nagtagumpay naman ako.
Sa tingin mo ba, magagawa kong sumabay sa kaniya sa paglalakad papuntang school kanina kung hindi?
Siguro malaking patama lang talaga sa isang tao ang katotohanang hinding-hindi siya mapapansin ng taong mahal niya.
Kung si Josh ang naglalagay ng mga rose petals sa harapan ng kwarto ko, ibig sabihin ba no'n, crush niya ako?
Aw. Too late, Josh. Bakit ngayon pa? Kung kailan wala na akong nararamdaman para sa iyo?
Hay.
Sana dati ka pa nagkagusto sa akin. Edi sana, masaya tayo ngayon.
.
.
.
Kailangan ko siyang i-caught-in-act! Nang matigil na ang kabaliwan niyang ito!
BINABASA MO ANG
Beauty, The Prince, and the Beast
Teen FictionBakit sa beast napunta ang Prince Charming ko?