CHAKAHAN 2

1.9K 27 6
                                    



CHAKAHAN 2

I was so upset lang naman this morning kase ang aga pang binulabog ng kapatid kong hilaw ang mala sleeping beauty kong pag tulog. Sarap nya talaga ding bigwasan hanggang sa ma stroke sya eh.

Di lang naman kase mag-a-ala tiger ng ganito kung di nya pinutol ang panaginip ko. Napanaginipan ko lang naman na may isang lalake na hahalik sa akin, tas yung saktong hahalikan na nya ako, saka pa napursunada. Sa panaginip na nga lang na may hahalik sa aking lalake ehh, pinutol pa ng puta.

"hoy Victorina... gumising ka dyan" pag kalampag ng gaga sa higaan ko.

"hooooyy!!! Ano ba.. tanghali na... mag sasaing ka pa, aba baka pagdating ni mama, magalit yun, naku sinasabi ko sayo, lilipad na naman ang kaldero dito sa kwarto mo." pag yugyung sa akin ni Marisa.

Bumangon naman ako at nag stretching ng aking kamay, muntikan ko pa nga matamaan ang baba nya na pinaglihi sa mangga.

"ano ba? ang aga-aga eh, nag dadaldal ka dyan" pagsusungit ko.

"aba... sinusungitan mo ba ako?" pag pameywang nya sa harapan ko. "aba Victorina, baka nakalimutan mong wala si papa sa bahay, at tayong dalawa lang ang nandito kaya wala kang kakampi"

"so ano naman ngayon?" pag taas ko ng aking kilay na syang pag ismid nya.

"duhh, ang panget mo mag sungit!" pag rolled eye nya. "bumangon ka na dyan at mag saing, gutom na ako... at pagdating ni mama ay kakain na din yun"

"inuutusan mo ba ako?" turo ko sa sarili ko.

"ano bang narinig mo? di ba utos yun?... kung ayaw mong sumunod, isusumbong kita.."

Di pa man natapos ni Marisa ang kanyang sinasabi ay kaagad kong tinakpan ang kanyang bibig at syang bangon ko mula sa kama ko.

"oo na... masusunod na po kayo your highness" sabi ko sabay bow.

Inisnab lang ako ng gaga at syang lakad nya palabas ng kwarto ko.

"bwesit... hahalikan na sana ako sa panaginip ko ehh, bumida pa ang puta" pag sabi ko, pero kaagad na bumalik si Marisa at syang lapit nya ng kanyang tenga sa mukha ko.

"ano ulit? Ano yung narinig ko? may hahalik sa yo sa panaginip mo?" turan nya na hinihintay nya ang pagsagot ko, pero keber lang ang beauty ko sa mga patutsada nya.

"wow, siguro nag papak ka ng krim stick bago matulog no? dahil imagination mo ang limit" turan nya sabay tawa na naglalakad palabas ng room ko. "hahalikan daw, hahaha, sino naman kayang bosabos ang hahalik sa kanya"

Pinigil ko lang ang galit at inis ko kay Marisa, gigil to the max ako this morning, gusto ko na talaga syang batuhin ng arinola na puno ng ihi, kaso wala pala akong arinola. Nakakapikon talaga sya, kung marunong lang akong mambarang, nauod na marahil tong babaetang to.

Ginising pa ba naman ang panget na natutulog, sarap nya ding kunyatan sa epiglotis nya ehh, gigil nya si ako! naku, pag ako na banas sa babaeng to, matutuluyan ang pagka stroke nito ehh!

"ano ba Victorina? Di ka pa bababa dyan? Gutom na talaga ako sa totoo lang" sigaw ni Marisa sa ibaba. Mina mouthing ko naman ang kanyang sinasabi habang inaayos ko ang aking kama.

Gutom pala ang puta, ba't di sya magsaing. Palibhasa, di pala marunong ng gawaing bahay ang pusit na yun eh, ang alam nya lang ay kumain, mag facebook, manuod ng k-drama, magtambay sa tindahan ni aling Lulay at aabangan ang crush kong si Drake! Hmp, gigil din talaga ako sa babaeng yun kapag kaharap nya ang crush ko ehh, kulang ay maghubad sya sa harap ng crush ko!

Mahirap Kapag Chaka (Under Revision)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang