Nahihilo ako..
Nasusuka ako..
Anong nangyari?? Huwag kayong mag-isip ng masama, hindi ako buntis..
Ano, kasi.. parang lumilindol~
*Klaskk*
Nahulog ang mga baso, picture frame, salamin at iba pang gamit na mababasag..
Whhhaaaahhhh....
Paano na 'to?
Dahan dahan lang akong lumakad baka madapa ako~ Ba't ang tahimik dito sa bahay? Asan na ba sila?
Juskopo!
Wala naman sanang nangyaring masama kina mama..
Doon ako nagtago sa ilalim ng mesa namin dahil may nahuhulog na kasing mga blocks galing sa bubong namin..
Ito na ba ang katapusan ko? Ang kinatatakutan nating lahat ng mga tao ang pag-guho ng mundo?
Tsk! Erase erase~ Huwag kang mag-isip ng ganyan Stacey! Tiwala lang..
Nagdasal ako ng taimtim sa ilalim ng mesa habang dahan dahang tumutulo rin ang aking mga luha~ Di ko na talaga mapigilan ang kaba at takot! T.T
Tulong!!
Tulongan niyo ko!!
Sigaw ako ng sigaw.. Umaasang may makakarinig~
Tulong!!
Tulong!!
Tulong!!
Napapahikbi na ako sa kakaiyak! Ni isa walang nakakarinig.. Walang nakakaalam.. Walang sumasagot..
Dahan-dahang nawalan ako ng malay~
......
......
......
......
......
......(Heavy Breathing)
Ang bilis ng tibok ng puso ko, nahihirapan akong huminga.. Naninikip ang dibdib parang wala akong hangin na maihip~
Lumaban ka Stacey! Lumaban ka!
Stacey, anak!! Anong nangyari sayo?? Gumising ka!!
Boses yun ni mama..
Mama!! Hindi ako makagalaw~
Hindi ko ma i-bukas ang mga mata ko!
(Heavy Breathing)
Tulongan niyo po ako! Tulong!
Ni mga labi ko, hindi ko maibuka..
Dahan-dahang naramdaman kong may tumulo na isang mainit na likido sa gilid ng mga mata ko..
Anak! Lumaban ka! Lumaban ka, anak! boses ni papa iyon..
Papa, Tulong!
Hindi ka nila maririnig, Stacey! Pinilit ko ang sarili kong dahan dahang huminga..*Inhale
*ExhalePaulit-ulit..
*Inhale
*Exhale*Inhale
*ExhaleDahan dahang kumalma ang pagtibok ng puso ko.. Bumalik na sa normal na pagtibok nito.. Tapos dahan dahan ko ring i-binukas ang mga mata ko at kita kita ko kung gaano ka alala ang mga mukha ng mga magulang ko~
Niyakap agad ako ni mama..
Salamat naman at gumising ka, anak! Nag-alala kami ng papa mo.. Hinagod-hagod ni mama ang likuran ko
Oo nga, ma! pahikbi kong sabi, kinakabahan din ako.. Akala ko hindi na ako gigising~
Naramdaman ko rin ang paglapit at pagyakap ni papa sa akin.. Nakakagaan ng pakiramdam..
Tuloy natakot na akong matulog ulit baka sa susunod na pagtulog ko ay hindi na ako magising pa~
Hindi na sana mangyayari to ulit.. Sana~
- - - - - - - - - - - - - - -
Michaela's pov
Kanina pa tulala si Stacey.. Kanina ko pa siya kinakausap wala namang kibo kahit tango man lang~ Nag- alala na ako sa kanya..
Ano kaya ang nangyari??
Nagtatanong ako kung may problema ba siya pero lumingon lang siya sa akin at tipid na ngiti lang ang naisagot..
Haitz..
Ano ba ang gagawin ko?? Sa klase naman, palagi siya'ng nakatingin sa labas ng bintana, ang lalim lalim ng iniisip..
'Di kaya'y kahapon ay masama na naman ang napapanaginipan niya??
Kawawa naman ang kaibigan ko.. Bakit ba palagi nalang siya'ng nanaginip pag nakatulog siya?? Paano kaya ito mapipigilan?? Ano'ng sumpa dito?? Ayan tuloy pati ako ay na i-stress na..
d-3-b
Stacey! Hoy! Anong gusto mong kainin? Bibilhan nalang kita..
Recess na ba??
Oo! Ano ka ba?! Hindi mo narinig? Eh, ang lapit kaya ng room natin sa bell ringer.. Jusko, Stacey! Gumising ka! Tulog ka pa yata eh..
Hindi! Hindi ako tulog.. Ayokong matulog.. takot at kaba na sagot niya..
Ito. Ito ang kinakatakutan ko ang takot niyang matulog.. Masama nga ang panaginip niya kahapon kaya siya nagkakaganito~
Stacey naman eh.. Mas lalala yang nararamdaman mong takot kung hahayaan mo lang ito! Magpakatatag ka Stacey.. Huwag kang magpa- apekto dahil lang sa walang kwentang panaginip na yan!
Napaiyak siya
Walang kwenta?? Dahil sa panaginip na yun.. *sob* Muntik na akong mamatay! Muntik na akong hindi magising.. Muntik na akong mawala dito sa mundo! Hindi mo kasi alam ang pinagdadaanan ko Michaela! nararamdaman ko ang sakit na idinulot niya.. Walang tigil sa pagtulo ng kanya'ng mga luha~ Nakokonsensya tuloy ako..
Sorry.. Binabawi ko na ang sinabi ko Stacey.. Sorry! pero kailangang lumaban ka, ok? mahinahong sabi ko sa kanya at niyakap siya.. Umiyak siya ng todo-todo sa mga balikat ko..
YOU ARE READING
'A Dream'
Aktuelle Literatur*Dreams* are successions of images, ideas, emotions, and sensations that occur usually involuntarily in the mind during certain stages of sleep. There's someone that has a very wide imaginary mind. She thinks that this crazy unbelievable things h...