'MAGHIHINTAY '

6 2 1
                                    


Maghihintay

Maghihintay ako sa pagbalik mo
Sa pagbalik mo na alam mong mahal monako
Kaso paano ka babalik kung tapos na tayo?
Tapos na ang istoryang binuo ng dalawang tao

Maghihintay ako sayo
na kahit alam kong wala kang balak hanapin ako
wala kang balak na suyuin ako
kase siguro iba na ang iyong gusto

Para san pa nga ba ang paghihintay ko?
Kung alam kona naman sa simula na tapos na talaga tayo
Para san pa ang paghihintay ko
kung ang puso mo ay nasa iba ng tao

Pero maghihintay parin ako sayo
kase una palang sinabe kona sayo na ikaw lang ang iibigin ko
Na ikaw lang ang gusto ko
na ikaw lang ang gusto ko makasama hanggang dulo

Kahit sinaktan monako mahal parin kita
mahal parin kita kase may pangako akong dinadala
At dadalhin at dadalhin koto hanggang sa okay kana
kaso baka iba na ang iyong hinahagkan sa twina

Baka nga huli na ang lahat para maghintay pa ako
Kase kahit sabihin nating lumayo ako
Hindi ako nawawalan ng pagasa na tayo parin hanggang sa dulo
Kaso baka ang inisip mo ay tapos na talaga tayo

Maghihintay paba ako o hindi?
Mahirap mamili lalo nat parehas mali
Mali ang maghintay at mali rin ang hindi
Kase masakit parehas ang magiging resulta ng iyong pagpipili

Mahirap sabihin na titigil kana
lalo nat kung ang sinisigaw ng puso mo na kaya mopa
Kaya mopa kase mahal mopa sya
Kaso pano ka tutuloy kung pagod kana?

Sana kahit ngayon manlang habulin moko
kase nung mga panahon tayo
ako palagi ang sumusuyo sayo
na ako palagi ang gumagawa ng paraan magkaayos tayo

Pero wag ka magalala
Maghihintay ako hanggang sa araw na nagising kana
Nagising kana sa katotohanan na ako pala
ako pala ang mahal mo nung una pa

Kung sakali man na magising kana
nandito parin ako para sayo sinta
kase ikaw lang naman ang hinihintay ko simula una
Magsisimula ulit tayong dalawa
MAHAL NA MAHAL KITA

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MAGHIHINTAYWhere stories live. Discover now