Chapter 5

4 0 0
                                    

SIYA NA NAMAN??!

"Ikaw na naman?? Mukhang na-enjoy mo yung halik ng kamao ko ahh... Haha... Gusto mo pa ng isa??"

Hahaha... Tama kayo.. Siya yung sinuntok ko kanina na nawalan ng malay pero nakangiti hahahaha....

Hindi ko makakalimutan ang mukhang iyon sobrang nakakatawa hahaha

"Haha... Oo gusto ko ng isa pa kaso meron akong mga kasama ehh gusto rin daw nila matikman"

Isa-isa akong pinalibutan ng mga kasama niya mukhang malalakas sila kaya kinabahan ako pero di ko pinahalata

"Ano natatakot ka na ba??"

"Ha-ha-ha sinong tinakot mo?? Ako?? Ehh, ikaw nga tumba kaagad sila pa kaya??"

"Alam mo ba?? Mali ka ng binangga, hindi ba kami kilala?? Notorious kami na gang kaya kung ako sayo, tatakbo na ako pauwi"

"Sino nagtanong??"

Haha.. Mukhang nabanas ata bigla kasing pumangit yung mukha niya haha... Kaso nga pala panget na talaga siya kaya i cant see the difference hahahaha...

"HUMANDA KA!!"

Kaya ko to!! FIGHTING!!!

"Bring it on..."

"Sugurin niyo na yan"

Sabay-sabay silang sumugod sa akin

Kaya ang ginawa ko ay yumuko ayun yung mga bobo nagkauntugan hahaha....

Nung nakarecover sila

Susuntukin sana ako nung isang lalaki nang bigla akong yumuko at sinuntok ko siya sa tyan niya at napaatras siya

May dalawa na sunod na sumugod sa akin nung pasuntok na yung isa pero nakailag ako at yung isang kasama nung tanga yung natamaan haha..

Yung totoo... Notorious?? Myghad... Paki-explain naman haha... Paano???

Natira na lang ay tatlo uppercut yung natanggap nung isa nakinawalan niya naman ng malay haha

Tumakbo ako sa pader at yung dalawa naman sumunod akala ata tatakas ako haha pero tanga nila bumwelo ako para suntukin sila hahaha ayun tumba hahaha...

Parang di ako napagod dun ahh.. Medyo lang naman...

Lumapit sa kin yung lalaki na nag-aangas angasan na naman

Nung nasa harap siya bigla niyang sinabi

"Pwede ka ba namin gawing leader ng gang namin"

Hahaha... Akala ko pa naman maghahamon na ng laban hahaha

Bigla siyang lumuhod tsaka nagmakaawa haha...

"Boss, kailangan ka namin" nagmamakaawa niyang sabi

At yung mga ibang alaga niya ayun nakigaya din

"Boss, kailangan ka namin"

"Maging leader ka na namin please..."

Hahaha.. Yung mga mukha nila parang naulila lang at naghahanap ng mag-aadopt sa kanila hahaha

"Im sorry, bye!!!"

Umalis na ako baka ano pa gawin nila sa akin para lang mapapayag ako hayss

"BOSS!!!"

hahahaha... Seriously??

Ayoko talaga sa gang dahil don namatay ang dad ko kasi yung gang na ginawa ng dad ko is para maprotektahan yung business namin kaso sa sobrang pagprotekta niya dito nawalan ako ng ama hayss... Napakabait at mapagmahal ng dad ko, nalulungkot na lang ako sa sinapit niya dahil lang dun

Hayyss... Tama na ang drama, ayoko talaga yung mga ganyan hahahaha.. Charr lang...

Mahilig kasi ako sa k-drama haha...

Bigla akong nakabalik sa katinuan nung may nakita akong nakatingin sa akin

Problema nun??

Nung mas lalo kong tinignan bigla na lang tumakbo yung lalaki... Ehh?? Natakot?? Haha..

Hayyss makauwi na nga napagod ako dun ahhh.. Parang gusto ko tuloy matulog

Haha... Tinignan ko ulit yung mga nakalaban ko ayun para akong pinupuri na kung ano haha...

Iba talaga dating ko xD

***†***†***†***

Ang Girlfriend kong SadistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon