Hindi agad makapag react si Renz by seeing Nathalie like that. Pawis na pawis ito! Nakahawak rin ito sa dibdib at tila ba hingal na hingal itong hinahabol ang bawat paghinga. Tumakbo agad si Renz sa kinauupuan nito at inalalayan ang tilay ba’y babagsak na katawan ng dalaga.
“A-Anong nangyayari sayo?!” the moment he hold her body, napansin din niyang sa kabila ng pawis na pawis na katawan ay nangangatog ang buong katawan nito.
Inilawan niya ang mukha ng dalaga gamit ang cellphone. Nagulat siya sa sunod sunod na luhang pumapatak mula sa mga mata nito. he was so worried, and he don’t know why he have to.
“W-what’s happening? Please, say something!” yakap yakap na nito sa bisig si Nathalie. Patuloy parin ito sa paghabol ng hininga. Tila ba mamamatay na ito,
“Ba-bakit..Ba-bakit ang..dilim?” hihinga hinga habang umiiyak na sabi nito. Si Renz ang nahihirapan sa nangyayari. Ayaw talaga niya ng nakakakita ng naghihingalo, maging siya kasi ay nahihirapan. Darn!
“G-gabi na kas—wait,” he suddenly stopped talking. “..don’t tell me my trauma ka sa dilim?”
Nathalie tried her best to nod.
“Naku naman!” he chuckled at mabilis na sinandal nito ang dalaga sa sandalan ng sofa na kinauupuan nito.
“Hold on, okay?” anito sabay kinuha ang lighter sa bulsa. Kumuha rin ito ng ilang kahoy na upuan. It might be his lucky day, pakiramdam niya’y superhero siya dahil sa lakas niya. Sinira nito ang mga kahoy na upuan at mabilis na inilagay nito sa gitna. Sinindihan na rin ni Renz ang ilang posters at mga papel. Sabay inilagay iyon sa patong patong na kahoy.
Mabilis niyang binuhat ang dalaga papunta sa ginawa nitong apoy para makakita ng liwanag. Kinuha ni Renz sa bag ni Nathalie ang panyong ibinigay niya rito. He gently wiped her tears and sweat using it.
Maya-maya’y unti unting nahihimasmasan ito. Umupo si Renz sa tabi ni Nathalie na nakasandal sa pader. Isinandal rin nito ang ulo sabay lingon ng sa dalaga. He sighed.
Pakiramdam ni Renz ay nahugutan siya ng isang malaking tinik sa dibdib. At ganoon din naman ang naramdaman ni Nathalie. She’s okay now, pero nanghihina parin ang katawan nito.
Hinubad ni Renz ang suot nitong tshirt at tinira na lang ang suot nitong sando.
Kahit nanghihina’y nagawa pang samaan ito ni Nathalie ng tingin, “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” nakapikit na sabi nito dahilan parin ng panghihina nito.
“Don’bt worry, Hindi ako nagbo-bold sa harap mo,” anito.
Inabot niya ang hinubad na tshirt sa dalaga, Na ikinagulat naman nito.
Nathalie frowned, “Ano namang gagawin ko diyan?”
“Ano sa tingin mo?” tumalikod ito habang nakaupo pa rin, “Change your clothes.”
Namilog ang mata ni Nathalie sa narinig, “Ha? Sira ka ba? Ayoko!”
“Ano ka ba? Maya-maya malamig na, hahayaan mo bang matuyo ‘yang pawis mo tapos malalamigan ka?” bahagyang nilingon nito ang dalaga, “Don’t worry, wala naman akong balak silipan ka.” He added with a smirk.
Nathalie realized that he was right. Kahit natatakot masilipan ay hinubad nito ang suot na damit na halos pwede nang mapiga dahil sa pawis. Matapos noon ay sinuot naman nito ang mabangong t-shirt ni Renz.
“Uhmm, O-okay na.” nahihiyang sabi niya. Umayos naman agad ng upo si Renz at muling sinandal ang ulo nito sa pader.
Kaunting kahatimikan ang namagitan sa dalawa. Pero maya-maya lamang, hindi na rin mapigilang magtanong ni Renz dito. “What happened? I mean, what’s that? What with the darkness?”
Nanatiling tahimik si Nathalie. Renz glanced at her at muling ibinaling ang mga mata sa apoy sa gitna ng kwarto. “Okay lang kung ayaw mong ikwen—“
“Noong bata kasi ako, nakulong ako sa isang madilim na kwarto.” Pagpuputol nito sa sinasabi ni Renz, taimtim lang na pinakinggan ito ni Renz. “It was night. Ikinulong ako ng tita ko sa isang madilim na kwarto, kasi gusto kong maglaro noon, ang kulit kulit ko. Habang umiiyak ako, hindi ko naman sinasadyang marinig yung usapan ng tita at tito ko. Narinig kong sabi nila…” she suddenly stopped. Nakatatlong lunok ito bago muling itinuloy ang pagsasalita, “S-sabi nila, patay na raw ang mommy ko.. nasunog raw ang katawan nila pero hindi ko na narinig kung paano nangyari iyon, pero sa isip ko parang kitang kita ko yung bawat pangyayari..alam mo ‘yun? yung parang andun ako, parang nakita ko na ‘yung mga bagay na ‘yun. Hindi ko rin alam kung bakit. Pakiramdam ko pati ako nasusunog, pati ako unti-uting namamatay.” Tuloy-tuloy ang pagluha nito, matagal nitong kinusot ang mga mata dahil sa pag-iyak. Renz taps her shoulder dahil hindi niya alam kung paano ito maco-comfort. This is the first time na may babaeng nagconfess ng ganoong problema sa kanya that’s why he still don’t know what to say.
“Mula nun, pakiramdam ko namamatay at nasusunog ako kapag nasa dilim ako. N-naging sakit ko na ang bagay ‘yun. ang totoo nga niyan, I feel so sorry dahil nagworry ka kanina. Pasensya ka na talaga”
He just nodded, “Wala ‘yun, masaya akong kahit papaano natulungan kita,” pabulong pero sincere na sabi nito sa dalaga.
“Salamat, Renz.” She uttered sincerely.
Natigilan si Renz sa narinig. Did he heard it right? She’s saying thankyou to him?
“B-bakit naman?”
“Kasi ang bait bait mo. kasi tinulungan mo ako kanina, kasi concern ka kahit sa pawis ko.” Nangingiting sabi nito sa kanya, “I’m sorry for judging you by your aura, alam ko namang mabait ka talaga. So thank you.” She smiled.
Renz chuckled. Padabog itong tumayo at lumipat ng pwesto na inuupuan. Nagpunta siya sa kabilang dulo ng kwarto kung saan malayo siya sa dalaga.
Renz wants to punch himself. Bakit may natitira pa ring kabutihan sakanya? he never thought na makakarinig pa rin siya ng salitang ‘Salamat’ at ‘Thank you’ sa ibang tao. He hate it!
Kailan ba siya magiging ganap na masama? Why do he keep on being concern to other people? At bakit sa taga-Justice Village pa siya naging concern at nakagawa ng kabutihan?
“Damn it!” bulong nito.

BINABASA MO ANG
Hypnotized (The man of Revenge)
Romance“Beware of some good looking guys around. Some of them might have the ability to hypnotize you."