Jack's POV
Pagkatayo ko sa kama ko ay parang umikot pa yung paligid.
ANG SAKIT NG ULO KO!
Napadami siguro ako ng inom kagabi.
Humiga ulit ako at pumikit.
Bumukas yung pinto pero hindi ko tinignan kung sino.
"Jack! Bat ang dami mo daw'ng nainom kagabi!?" Si Ate nanaman.
"Don't talk to me. Sakit na nga ulo ko." Sabi ko habang nakapikit parin.
"Aray! What!?" Nagulat ako ng bigla nya akong hampasin.
"Yan na yung gamot oh!"
Lumabas na sya tapos padabog na sinara yung pinto. Anyare dun!?
Tumayo ako at ininom na yung gamot na dinala niya.
Medyo nawala yung sakit ng ulo ko pagtapos ko inumin yung gamot.
Naligo narin ako para tuluyan ng mawala yung sakit sa ulo ko.
---
Xia's POV
As usual, practice nanaman. Nakapag-pahinga narin naman ako kaya pinayagan na akong magpractice.
Pero hindi parin maalis sa utak ko ying sinabi ni Jack kagabi. Kahit na lasing siya nun, pakiramdam ko seryoso sya.
"Xia yung bola!!" Sigaw ni Shane, teammate ko sa volleyball.
Pero huli na, hindi ko na-dig yung bola kaya naka point yung kalaban namin sa training.
"Xia ayos ka lang ba talaga?" Nilapitan ako ni coach pagtapos ay tinulungan niya akong tumayo.
"Yes, coach. Aayusin ko na po."
Mamaya ko na iisipin yun.
FOCUS. FOCUS. FOCUS.
Tinignan ako nila Brelia at Elyza ng nag-aalalang tingin kaya nginitian ko sila to assure them that I'm okay.
Natapos naman ang training ng mabuti at nakapag-focus naman ako.
Nasa canteen na kami ngayon pero hindi pa kami kumakain. Gusto lang namin tumambay.
"Guys! C.R lang ako ah." Paalam ko kina Brelia at Elyza na nagce-cellphone.
"Geh."
Umalis na ako doon at naglakad papuntang C.R.
Nakita ko si Jack sa peripheral view ko. Nakita nya ako kaya lumapit sya sakin. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad para kunwari hindi ko sya napansin.
"Xia!"
Lumingon ako sakanya.
"Oh Jack!"
Galing ko rin umakting eh.
"Kain raw tayo sa labas after ng dance practice nyo."
"Ah sige."
"Punta lang ako sa canteen."
Tumango ako sakanya.
Ngayon nalang ulit kami nakapag-usap ng walang awkwardness. Hays.
Pumasok ako sa loob ng C.R. Walang tao. Pumasok ako sa isang cubicle. Paglabas ko ay maghihilamos sana ako sa harap ng salamin pero may mga babae akong nakita. Nakatingin sila sa harap ng salamin at puro sugat ang mukha nila. Mahaba at magulo ang buhok nila. May hawak rin silang kutsilyo at masama ang tingin nila.
BINABASA MO ANG
Wrong Place, Wrong Time, Right Person (on-hold)
Teen FictionOn-hold Kajejehan namin huwahahahahaha KSQUAD1922