CHAPTER 3
Mga beshie may i-ku kwento lang ako sa inyo about kay Drake at sa akin na nangyare sa bahay nila. Yup sa bahay nila kung saan ay dinala nya ako doon para ipakilala sa parents nya as his new girlfriend, pero in my dreams lang yun.
Dinala nya ako do'n para magpatulong sya sa kanyang thesis. Naluka nga ako pagdating palang sa gate nila dahil nando'nn yung aso na humabol sa akin kanina. Nakita nya palang ang ka-chakahan ko ay nilabas na nya ang three inch long pangil nya at syang tahol nya sa akin. Okay lang sana kung tahol lang di ba, ehh may kasama pang pagsugod sa akin kaya halos sumabit ako sa likod ni Drake. Nakakahiya nga mga beshie kase nasakyan ko ang likod ni Drake at sumubsub ang matambok at malaki kong boobs sa kanyang likod. Oo tama ang nabasa nyo, may ipagmamalaki itong dibdib ko, ito ang asset ko. Kahit di ako inambunan ng kagandahan, binagyo naman ng biyaya itong dibdib ko.
"Istambul, tumigil ka." saway ni Drake sa kanilang aso, pero ang aso ay pabebe dahil walang makakapigil sa kanyang pagtahol sa akin.
Patuloy lang akong nakasabit sa likod ni Drake, nakagapos ang aking kamay sa kanyang leeg at nakaimbabaw ang aking paa na takot na takot na makagat ng aso. Sa laki ba naman ng bibig ng aso nila ay baka ma slice nyang bonggang bongga 'tong paa ko.
Hindi pa nasayahan ang aso sa ginawa nyang pagtahol sa akin ay umikot pa sya sa kinaruruunan namin ni Drake at syang punta nya sa likuran ng crush ko at doon ay tinahulan ako. Kita ko ang malaking bibig ng aso at ang kanyang pangil na naghihintay na makagat si ako.
"Istambul, tumigil ka." Pagharap ni Drake sa kanilang aso pero ayaw tumigil ng aso, at enjoy na enjoy sya sa pagtahol sa akin. Dahil sa kahit anong saway ni Drake sa kanilang aso ay ayaw tumigil sa pagtahol, bumaba ako sa likuran ni Drake at hinarap ang aso. Nag defense position ako ala karate girl, at syang pagpatunog ko ng aking kamao.
"Ooh ano....sige, lumapit ka. Akala mo ah. Do'n tayo sa may kanto." Mala Vice Ganda kong sabi sa aso. Agad na tumigil sa pag tahol ang aso at syang takbo nya palayo. Sinundan ko ang pagtakbo nya, at natanaw kong pumasok sya sa loob ng kanyang dog house.
"Ang galing mo ahh." pPaghanga ni Drake sa akin. "Nag i-stunt ka siguro sa mga pelikula no?"
"Anong stunt? 'di no! Ginaya ko lang to sa mga napapanood ko sa k-drama."
Inayos ko na ang sarili ko at pumasok na kaming dalawa ni Drake sa loob ng kanilang bahay. Sa pintuan ay may dalawang pusang naglalampungan, nang nakita nila ako ay bigla silang kumaripas ng takbo at syang tago nila sa ilalim ng upuan. Sa isang sulok ng dingding nila ay may nakita rin akong tuko, na kaagad ding kumaripas ng gapang at nagtago sa likod ng malaking picture frame. Gusto ko tuloy pagkunyatan ang mga hayop na yun, pati pa ba naman sila, takot sa mukha ko.
"Pasensya ka na sa bahay namin Vicky ahh, madumi at makalat." Nahihiya nyang turan sa akin at syang pag paupo nya sa akin sa kanilang sofa.
"Ano pala ang gusto mong i-merienda?" Tanong nya sa akin.
"Ahhm, gusto ko? Ahmm wag na Drake... lahat naman ng gusto ko, ay di ako gusto." Pag beautiful eyes ko sa kanya. Rinig ko ang pagtawa ni Drake at syang upo nya sa tabi ko. He asked me again if ano ba talaga ang gusto ko.
"Ahmm, ikaw..." Sabi ko.
"Huh?" paglingon nya sa akin. Nakakunot ang kanyang noo at nagkakasalubong pa ang kanyang makapal na kilay.
"Hehehe, I mean.. ikaw... ikaw na bahala kung ano ang ipapakain mo sa akin, tutal gutom ako ngayon at di ako maarte sa pag kain."
Napangiti naman si Drake sa sinabi ko at syang tayo nya para kumuha ng pagkain.
Pagkaalis ni Drake ay tumayo ako para tignan ang mga picture na nakasabit sa kanilang pader. Napadpad naman ang mata ko sa isang malaking picture nila, isa yung family picture nila. Kasama nya syemper ang parents nya,ang isa nyang kapatid na babae, at ang bunso nyang kapatid na lalake na kamukhang kamukha nya rin talaga. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit sa kanila kase kumpleto silang magkapamilya, samantalang ako... may family nga,pero di naman legit.
KAMU SEDANG MEMBACA
Mahirap Kapag Chaka (Under Revision)
HumorChaka ako sa kanilang paningin. Mula nang isinilang ako ay tinalikuran na ako ng mundo at puro kamalasan lang ang napunta sa akin. Siguro nung umulan ng kamalasan ay sinalo ka lahat! OO!! ang hirap maging panget! mahirap kapag chaka ka, lahat na ng...