[Dion's P.O.V]*kring kring kring* (tunog ng alarm clock yan)
Nagising ako sa pamilyar na tunog tuwing umaga. Haaaaay lunes na. Pinatay ko ang alarm clock at tumayo na, kinuha ko ang tuwalya at diretso ng CR para makaligo na.
Pagtapos manligo ay dumiretso na ako sa baba para mag almusal. Masyado pang maaga para pumasok, paniguradong late naman o kaya'y hindi papasok ang first teacher namin, ganon naman palagi pag first day.
Habang pababa ay naririnig ko na ang mga kagamitan sa pagkain na tumutunog, ang aga talagang na gigising ni Ericka.
Pag pasok ko ng kusina ay bumungad sakin ang amoy ng bacon at itlog, hmm typical breakfast meal. Umupo na ako para makapag umagahan.
"Dion! Goodmorning!" Ngi ngiti ngiting bati ni Ericka sa akin pag pasok ko ng kusina.
"Goodmorning din" sabi ko.
Tinapos namin ni Ericka ang aming umagaahan. Iniyos at inilagay ko na sa lababo ang pinagkainan mamaya ay pupunta naman si manang para ayusin ang mga iyon.
Kinuha ko ang aking gamit at sumunod na kay Ericka na nauna na at naghihintay sa labas.
"I lock mo yung pinto, may duplicate key naman si manang" utos nito. Isinara ko ang pinto at sumunod na sakanya.
Naglakad kami patungo sa sakayan ng tricycle papuntang school. Marami ng tao sa school ng makarating kami, siguro ay dahil sa first day kaya maraming maaga. Pagdating namin ng school ay dumiretso kami ni Ericka sa bulletin board kung saan naka post ang mga sections. Hinanap ko ang pangalan ko at hindi na nabigla ng makita kong nasa 1st section ako.
"Uy parehas pala tayo!" Sabi ko kay Ericka na tuwang tuwa. Last year kasi ay hindi kami mag ka klase, kaya masaya ako dahil magkasama na ulit kami. Tinignan ko pang muli ang bulletin board hinanap ko narin ang mga pangalan ng mga iba kong kaibigan. Patagal ng patagal ay dumadami ang tao sa tapat ng bulletin board, anong oras narin kasi malapit ng mag simula ang opening ceremony.
"Dion, Cr muna tayo bago pumasok" aya ni Ericka, sumang-ayon na din ako dahil baka nagulo ang buhok sa pag sakay kanina sa tricy.
"May transferee daw diba?"
"Oo nga, gash nakita ko siya kanina galing principal's office, ang gwapo niya! Kyaaaaaah~"
"Anong pangalan?"
"Sana classmate natin. Hihi"
Rinig kong usapan ng mga babae sa CR. Skwelahan to e, malamang may mag tra transfer talaga. Mga babaeng 'to talaga.
*bell rings*
Linagay muna namin ni Ericka ang bag namin sa room at lumabas na dahil flag ceremony na at hahanapin pa namin kung saan ang linya namin. Nang mahanap namin ay luminya na kami dahil mag uumpisa na ang opening.
"Goodmorning students!" Bati ng aming principal. Paniguradong napakahabang seremonya nanaman neto.
"Goodmorning principal!" Balik bati ng mga students sa harap. Hindi ako sanay na nasa harap kaya naman ay sa likod ako pumwesto habang si Ericka ay nasa aking harapan.
"It's really nice to see you again students. Hoping that this year will be an amazing year to all of you and also to us." Sabi ni principal.
Matapos mag salita ni principal ay pumunta na sa harao si Ms. Magayno para mag lead ng lupang hinirang.
Matapos ang kemerut barurut ay muling kinuha ni principal ang mic at "You may now go to your respective classrooms and enjoy your first day students!"
YOU ARE READING
The Reason Why.
Novela JuvenilWe, humans have two reasons for doing anything. A good reason and the real reason.