"Hoy bobo! HAHAHAHAHA." Ganyan lagi si Clark. Hindi ko nga alam kung bakit yan ang tawag sakin e.
Top 1 naman ako pero bobo pa rin ako sa paningin niya.
Ang saklap nga e, crush ko pa naman.
"Kahit kelan, ang bobo mo talaga." Tapos nagtawanan nanaman sila. Hindi ko na lang pinansin.
Lumabas muna ko ng room. Iniisip kung anong pwedeng gawin para tumigil siya.
Wala naman akong ginagawang masama dun e. Bigla lang siya nagsabi ng ganyan sakin. Ang abno noh?
Pero kahit ganyan yan, gusto ko yan. Ewan ko rin kung bakit e, ang abno ko rin noh?
"Rochelle, bat ka andito? Diba bawal lumabas?" Tanong ng best friend ko, si Aina.
"Kasi naman e, ayaw pa rin tumigil ni Clark." Sagot ko habang nagkakamot ng ulo dahil sa irita. "Ang bobo ko raw talaga."
"Hay nako, wala lang yan magawa sa buhay kaya ganyan." Ika niya. "Yaan mo na lang, titigil din yan."
"Ang sakit kaya sa looban."
"Kasi mahal mo na?"
"Mahal? D-di ah. Crush lang."
Crush nga lang ba?
"Admit it, Roch. You're in love with him na." Bigla akong napaisip. Bakit parang.. oo?
"Psh, halika na nga. Pasok na tayo." Hinila ko na lang siya papasok para maiwasan ko yun. E kasi naman e.
Pagkapasok na pagkapasok ko, sumigaw ng malakas si Clark.
"BOBO!"
Sobrang na-offend ako dun. Rinig talaga ng ibang classmates namin. Yung iba tumawa, yung iba naman ngumiti.
"Makabobo ka ha! Kelan ka ba titigil ha?!" Oo, sinigawan ko siya pabalik si Clark.
"HAHAHAHAHA! Bobo ka naman talaga kasi talaga noh." Sabi niya ng paulit ulit.
Halos mangiyak iyak na ko pero pinili kong pigilan. Ayoko naman magmukang kawawa dahil lang sa isang simpleng word diba.
Umupo na lang ako sa upuan ko at naglaro ng iPhone ko.
'Bwisit ka, Clark. Lalo mo ko pinapainlove.' Mga katagang sabi ng puso ko.
Teka, teka. Ano raw? In love?
Hindi noh. Hindi kaya.
'Ay sige, deny pa. 3 years mo ng gusto, crush pa rin ba tawag dun?' A voice inside my head said.
E ano naman kasi kung mahal ko na siya? May mangyayari ba? Wala naman diba!
Habang naglalaro, naramdaman kong may tumulong luha sa mga mata ko at dali dali ko itong pinunasan para di nila makita.
Wala e, hanggang bobo lang ako sa paningin niya.
*Dismissal Time*
Ilang minuto na ko naghihintay ng sundo ko at wala pa rin.
Urgh, gusto ko na umuwi!
"Andito ka pa pala bobo." Narinig ko nanaman ang halakhak ng abno.
"Obvious ba." Yeah, sarcastic.
"Oh well, bobo ka pa rin."
"Edi bobo na kung bobo! Peste ka." Naririndi na talaga ako sakanya e. Hindi ko na napigilan. Sino ba naman kasi hindi maiinis diba!
"HAHAHAHAHA!" Tawa siya ng tawa. "Wala akong pake kung peste na ko. Basta BOBO ka."
Malapit na talaga tumulo na luha ko. Hindi ko na kaya ng palagi niya kong tinatawag na ganun. Ang sakit kaya sa pakiramdam. Tapos mahal mo pa.
Gusto ko siyang hampasin, tadyakan, sapakin pero sa tingin mo ba, kaya kong saktan ang mahal ko? Hindi noh. Hindi ko kaya. Kahit gustong gusto ko na talaga.
Bigla ko na lang naramdaman na may pumatong na kamay sa kamay ko.
Dug dug dug dug dug. Ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Ang lambot ng kamay mo." Sabi niya. Ang lambing ng boses niya. Biglang nanghina ang tuhod ko. Grabe, nakakakilabot na nakakakilig.
"Bagay na bagay sakin oh." He said as he intertwined my fingers with his.
Clark? Anong ibig sabihin nito? Ok ka lang?
"Kaya tignan mo, ang bobo mo talaga..
Ang BOBO-o sa buhay ko."
The End.
BINABASA MO ANG
Bobo! (One Shot)
Teen FictionPapayag ka bang sabihan ka ng mahal mo ng 'bobo'? //lhufturrr