ANOTHER SONG FOR YOU(ASFY2) by Lee Naree
Naree's voice: Nakapagdecide na ako. Babaguhin ko to. Well, not really completely, but somehow, like that. Una dahil pati ang author naguguluhan sa kwento. Hehehe. Kasi magulo talaga. Yan lang ang masasabi ko sa sarili kong trabaho. SO IF YOU ARE CURRENTLY READING THIS BOOK, I'm so sorry but there will be SUDDEN changes. Medyo babaguhin ko yung takbo ng kwento. Kasi ini-improve ko pa rin ang writing skills ko hanggang ngayon. Kaya naman I found so much errors in this creation. Peace po. I'm still 17 and continuously learning.
Another Song For You
Tinanong niya ako minsan sa skype, "Anong gagawin mo kapag sinabi kong nahulog na rin ang loob ko sa kanya?" He's referring to his fiancee who has fallen for him, too. Sabi ko, "I don't control your feelings. I'd go back to treating you as a friend and move on with my life." And then he decided. That was five, almost six years ago. I'm done with love for now.
The first 2 years of my life in Paris went bad. Wala akong kinakausap maliban sa kambal ko. Wala akong sinasabi unless kausapin mo ako. Hindi kita papansinin kapag hindi kita kilala o kapag wala akong business sayo. Yes, I was that bad. Pero narealize kong hindi ganun ang naplano kong pagmove-on, so I went back to my old self. The real Melissa Steph Tonde Marino.
I was back on my feet. Nage-excel ako sa course ko hanggang sa pag-graduate ko, ako ang hinanap ng mga kumpanya; hindi ko na kailangan maghanap. I was first-step-successful. Masaya ako at sa tuwing naaalala ko ang pagiging emo ko dati, natatawa na lang ako. Kung hindi ako umalis sa ganoong lifestyle, what am I now?
Pero mahirap yung ginawa ko. Ang tiisin ang sakit tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya sa magazines, sa news, sa internet, at kahit sa kambal ko, naririnig ko ang pangalan niya. Masakit magmove-on lalong lalo na kapag hindi ka niya sinadyang saktan. But that's how it works. To remove pain, you have to feel pain. Parang vaccination, to be immune from a disease, you have to be injected with the disease. And now, I'm feeling better than ever. Or so I thought.
BINABASA MO ANG
Another Song For You[ASFY2]
Fiksi Remaja[ON GOING] They all ask her the same question, "What if babalik siya sayo?"