Lock

75 6 5
                                    

Introduction:

"Please! Please Zelle! Ikaw na lang talaga ang pwedeng gumawa nu'n." Halos lumuhod na si Mitch sa harapan ko at halikan yung mga paa ko sa pagmamakaawa. "Papatayin ako ni mama 'pag nalaman niyang wala pa akong nahahanap hanggang ngayon."

Ayoko talagang pumayag sa hinihinging pabor ni Mitch. Kung pwede lang na tumakbo ako at magtago sa palda ng lola ko eh ginawa ko na! Pero si Mitch 'to eh, since bata ako, kasama at kaibigan ko na siya. Ayoko namang kalbuhin siya ng mama niya dahil lang sa hindi ako pumayag sa gusto niyang mangyari.

Hindi ako ganun kasamang kaibigan kaya sige, pagbigyan na. "Hindi," Ang bait mo nga Zelle, maganda sa kalusugan yan! "Ayoko nga e! Ikaw nalang kaya?!"

"One month kong sagot ang lunch mo!" Aba! Nag-offer pa!

Pero, masyadong maikli ang one month. "Ayoko talaga, Mitch. Magmumukhang sira-ulo ako sa pabor mo eh!"reklamo ko.

"Two months. Libre lunch, libre assignment." Taas-baba ang kilay ng loka!

Hindi ko alam pero pagkatapos nung offer ni Mitch, nakita ko na lang yung sarili ko sa harapan ng salamin habang sinusuot yung Dora costume na ginawa talaga niya para sa'kin. Gustong pumutok nung mata ko habang tinititigan yung sarili ko. Abnormal nalang talaga ang kakagat sa ganitong kabaliwan! At si Zelle nga ang abnormal na 'yun.

"Ayan! Ang galing mo talagang magdala ng damit Zelle!" Inikutan pa 'ko ni Mitch para makita kung pa'no ako pahiyain ng costume na 'to. "Bagay na bagay ang Dora costume sa'yo!"

"Thanks!"sabi ko sa sarkastikong tono. Sarap balatan ng buhay ng babaeng 'to!

"Welcome!" Tatawa-tawa pa nung lumabas siya ng kwarto niya. "Com'on vamonos, everybody let's go!" Sinarado niya yung pintuan at humagalpak ng tawa.

Napapalo na lang ako sa noo ko habang nakatingin pa rin sa pintuan na pinaglabasan ni Mitch. Ako lang ba talaga ang abnormal dito? Parang mas malala pa siya ah!

Umupo na lang ako sa kama ni Mitch habang nililibot ko yung tingin ko sa kwarto niya. Kahit hindi ko na mabilang kung ilang beses na 'kong pumasok at natulog dito, 'di ko pa rin talaga mapigilang humanga sa kwarto niya. Ang laki-laki kasi tapos ang linis-linis pa. Yung akin kasi, ni hindi pa nga nakapintura tapos wala pang kisame kaya kapag tumitig ka pataas, hindi butiki ang makikita mo kundi mga agiw ng gagamba.

Hindi naman kasi talaga kami mayaman, pero hindi rin mahirap. Sakto lang. Simula kasi nung namatay si papa, ayun nagsimula ng humirap yung buhay namin. Nag-asawa nalang ulit si mama kaya ngayon, medyo gumaan-gaan na rin ang buhay namin kasi maganda naman ang trabaho ni Tito Fer- papa Fernan.

Tinignan ko muna ulit yung mukha ko sa salamin bago lumabas ng kwarto. Pagkatapos nitong party, matutulog na'ko at papatayin si Dora sa panaginip ko.

***

Halos madurog ako pagdating ko sa garden nina Mitch. Yung mga bata kasi, akala mo eh nakakita ng artista. Artistahin ba si Dora? Eh negra ata yun di ba? Hindi ko alam. Di kasi ako nanunuod ng ganun, yung tipong kakausapin mo yung TV niyo.

Tumatawa naman si Mitch sa isang sulok. Ha! Lakas makapang-asar eh pasalamat nga siya sa'kin at 'di siya kinalbo ng mama niya ngayon! Ako naman, balde-baldeng pasensya ang iniipon ko dahil tulakan yung mga bata para mahawakan ang kamay ko. Darn! Ayoko sa mga bata! Ang gugulo!

Nagtawanan naman yung lahat nung may isang bata ang lumapit sa'kin at holy cow!

"What the hen?!"sigaw ko nung... anak ng baka naman!

Yung batang babae kasi, lumapit sa'kin hindi para makipag-kamay o magpapicture kundi para buhusan ako ng juice sa damit at ibato ang cake sa mukha ko! Ang bait-bait naman ng batang 'to, hindi pa nakuntento at tinulak pa 'ko! Maganda ang ganyan! Ipagpatuloy mo lang!

"Zelle!"

Lumapit naman agad si Mitch sa'kin at tinulungan akong tumayo. Ako, ayoko talaga sa mga bata, kaya yung balde-baldeng pasensyang inipon ko kanina eh, naubos na.

"Ikaw!" Turo ko sa batang tumulak sa'kin. Aba! Ang lola niyo, tinaasan lang ako ng kilay!

"Zelle, hayaan mo na."bulong ni Mitch sa'kin.

Anong hayaan?! Dapat sa batang 'to, pinuputulan ng sungay!

"Hindi, Mitch. Demonyita ang isang 'to eh."

"Bata lang yan."

"Yun na nga eh! Bata pa lang, maldita na!"sigaw ko atsaka nilampasan si Mitch.

Hinawakan ko yung braso nung bata at hinila siya papasok ng bahay nina Mitch. Kung normal na bata lang 'to, kanina pa dapat umiyak pero hindi e, nung tignan ko, tatawa-tawa pa. Hindi ko alam kung nang-iinis ba 'to o nang-iinis kasi naiinis na'ko!

Binitawan ko yung braso niya pagdating namin ng sala nina Mitch. Huminga muna ako ng malalim para mabawasan naman yung inis ko.

Mahinahon akong tao kaya kalmado akong magsasalita. "Hoy ikaw!"sigaw ko. Kalmado nga, Zelle. "Bakit mo ginawa yun?"

"Kasi panget ka?" Ang bata-bata, napaka-sarkastiko!

Magsasalita pa lang sana ako nung biglang may boses kaming narinig.

"Allyza?"

Gusto kong mahimatay nung biglang umiyak si Allyza, yun siguro ang pangalan ni demonyita, habang tinuturo ako. Hoy! Wala akong ginawa sa'yo! Nataranta naman na ako nung lalong lumakas ang iyak niya. Best actress ang bruha!

"N-napano-" 'di ko na na natuloy yung sasabihin ko kasi dumating si Lucifer.

"Anong ginawa mo kay Allyza?"madiin na sabi ng nakakatakot na boses.

Nasa'n na ba ang lola ko? Nakapalda kaya siya? Kailangan ko ng magtago!

Tatakbo sana ako para tumakas nung may humila sa kamay ko at muntik na'kong masugat sa sobrang talim ng tingin niya sa'kin.

"Saan ka pupunta?" Yung boses niya eh, akala mo galing sa napakalalim na hukay. "Lakwatserang negra."

Sa palda ng lola ko! Magtatago ako!

--

©2014 JustSmileJess

LockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon