Racing through my Heart (Short Story)

71 7 0
                                    

Racing through my Heart (one-shot)

Copyright © March 2014

A Short Story written by:

darkmagician_girl25

All Rights Reserved ®

Cover by:

No part of this work may be reproduced or transmitted in any forms without the

permission from the author.

All the characters and events in this story are just part of the author's imaginations and experiences. Any similarities are just mere coincidence.

_____________________________

It's English time. My favorite subject. Hindi dahil gusto kong mag-construct ng sentences or mag-ayos ng grammars kundi dahil Greek Mythology ang topic

namin the whole 4th grading period.

Sadly, last lesson na ito, absent pa ang bestfriend ko. Wala tuloy akong katabi, so inilagay ko ang aking file case sa arm chair ng kanyang upuan. Left-handed ako kaya mas madali kung doon na lang ako magsusulat.

Nakapatong lang ang arm ko doon while listening to our English teacher when suddenly, someone grabbed my arm, held my hand and intertwined it with his fingers.

Tiningnan ko kung sino ang pangahas na iyon. Walang iba kundi si Cody, ang napaka-preskong Cody na iyon.

I hated him simula nung nag-feeling syang may gusto ako sa kanya. Ito ay noong makita niyang may ILUVU Cody sa Likod ng Notebook ko. Pinicturan pa niya at ipinost sa freedom wall ng school at may caption pa na "Si Keira may gusto saken."

Madalas kaming tuksuhin sa classroom. Ngumingisi pa siya at proud na proud. Napagkaisahan pa kaming gawing muse at escort ng klase.

Nagtataka siguro kayo kung bakit may na kalagay na "ILUVU Cody" sa notebook ko noh. Akala nyo may gusto nga ako sa kanya at naggalit ako dahil nalaman niya.

Katulad nga ng sabi ko kanina, nagfe-FEELING lang siya. Ang Cody na tinutukoy ko ay walang iba kundi si Jerry Yan. Cody kasi ang name niya sa Hot Shot na ipinalabas ng ABS-CBN. Nawala sa isip ko na may classmate nga pala akong ganoon din ang pangalan. Ayan tuloy nasa ganitong sitwasyon ako.

Napabalik ako sa realidad noong naramdaman kong nilalaro niya na ang singsing sa aking forefinger. It is a gold plated ring na may ruby sa center.

Bigay ng bestfriend kong si Freyja. Freebie daw galing KFC. Mukha naman itong mamahalin. Pero bakit mamimigay sila ng ganun. Sabi niya na isipin ko na lang na siya yung nagbigay. Kaya lagi ko itong sinusuot. Bigay kaya ito ng bestfriend kong kuripot kahit alam naman natin na hindi talaga siya gumastos para doon.

Donation na daw niya iyon para magkaroon naman ako ng kolorete sa katawan. Simple lang kasi ako, isang pares lang ng hikaw ang suot ko. Walang necklace, bracelet o watch. Kaya iyong singsing ang second accessory ko, meron bang ganun. Hahaha. Basta. Masyadong malaki iyong singsing kung sa ring finger ko ilalagay. Freebie lang iyon at hindi mismo sukat sa magsusuot kaya sa forefinger ko na inilagay para astig.

So iyon nga, mabalik tayo kay Cody,

I glared at him. Napapasarap ata siya. Nilulubos-lubos ang pag-absent ng bestfriend ko. At ang walang hiya. Kinindatan lang ako. Pilit kong hinihila ang kamay ko pero talagang malakas siya.

"Hoy Mr. F (Feeling. . Yun na kasi ang tawag ko sa kanya) bitiwan mo nga ang kamay ko. Ang laki ng pagnanasa mo sa singsing ko. Hindi yan tunay kahit isangla mo pa. Wag mo ng nakawin." reverse psychology, baka tablan pa siya niyan.

Racing through my Heart (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon