My Plan to Escape

326 14 4
                                    

     Tignan mo lang Shiro! Malalaman ko rin ang mga sagot! 5:30 pm palang ay nagiisip na akong plano para makatakas dito sa bahay, ni minsan hindi ko pa ‘to nagagawa kaya kailangan kong magisip ng magandang plano. Unang una paano ako makakaalis dito ng hindi alam ni Shiro? Hindi ko pa siya nakikitang natutulog sa harapan ko, lagi kasing ako ang nauunang natutulog at nahuhuling nagigising, hindi ko pa rin siya nakikita kung paano natutulog at paano nagigising, I feel sad, pati ganun kaliit na bagay gusto ko rin malaman. Napaimagine na lang ako kung paano siya matulog, urgh! It’s no use, ang hirap! Nakatulog na lang ako kakaimagine kung paano.

     Nagising ako sa hindi ko maipaliwanag na rason, tinignan ko nalang ang paligid ng bed ko at nakita ko si Shiro na nakaupo nagbabasa ng libro, napansin  ata niya na nagising ako kaya tinignan nya ako.

     “Kumain ka na” sabi niya saakin na nakangiti.

     “Gusto ko pa matulog, anong oras na pala?”

     “Niluto ni Seb yung paborito mong pagkain baka lumamig na kung mamaya ka pa kakain”

     “Edi papainitin ko, anong oras na?” Tinignan niya yung orasan niya sa kaliwang kamay niya. “8 na” napaupo ako sa higaan ko at tumayo na, Gabi na! Oh no!

     “Pagkatapos mo kumain magshower ka na” Payo nito saka na ako umalis papuntang kusina. Alam ko na! papainumin ko nalang si Shiro ng pampatulog, ah wait wala pala akong ganun, kung hihintayin ko naman siyang matulog hindi ko alam kung kelan pa, natatandaan ko pa  no’ng 1st year ako, pasikreto akong nagbabad kakapanuod ng drama na ipinahiram sa akin ni Samielle, mga 3 am na ata no’n at lumabas ako ng kuwarto ko para uminom ng tubig, nakita ko yung kwarto ni Shiro na nakabukas at pagsilip ko ay nakaharap ito sa laptop nito, ang nagbago lang sakaniya yung damit niyang nakapajama, lagi kasi siyang naka suit kaya first time ko lang siyang nakitang naka pajama, hindi parin nawawala yung kaguwapuhan niya. I remember nahuli niya akong nakasilip sa kaniya, anon a ngang nangyari pagkatapos no’n? “Miss Lilia” nabilaukan ako nang marinig ko ang boses ni Sebby, nakalimutan kong kumakain ako. AH! Yung plano! Hintayin ko nalang na walang makakakita sa akin kung lalabas ako, osige, sa pinto papuntang garden ako lalabas hindi ko madadaanan yung kuwarto ni Shiro doon.

     “Lilia, matulog ka na” 10 pm na at nandito si Shiro sa kuwarto ko.

     “Ayoko pa, kakatulog ko lang kanina” Alis ka na dito! Pumasok ka na sa kuwaarto mo at doon ka magkulong!

     “Pilitin mo, hindi dahil weekend bukas pwede ka ng magpuyat, hihintayin kitang matulog” At naglabas siya ng libro, paano ‘to? Paano ko siya mapapaalis!

     “Hindi ka pa ba naiirita diyan sa damit mo? Kaninang umaga mo pa yan suot” Maghahanap ako ng paraan.

     “Mamaya pag natulog ka na” nakatingin parin ito sa binabasa niya.

     “Kumain ka na” 2nd attempt ko na ‘to.

     “Mamaya pa natulog ka na” Same reason?

      Wala na akong matanong sa kaniya. “Shiro”

     “Bakit?”

     “Hindi talaga ako makatulog”

     “Hintayin mo lang aantukin ka na mamaya”

     “Nandito ka kasi” Tumingin na ‘to saakin. Aalis na ba siya? Yes!

     Tumayo ito sa kinauupuan niya at binaba yung binabasa niya, umupo siya ngayon sa bed ko “Then gumawa tayo ng paraan” nakangiti nitong sinabi at inalis ang gloves niya bigla akong nahilo nang marinig ko ang boses niya, nang tinakpan niya ang mata ko gamit ang kamay niya ay naginit ang katawan ko, hindi ako makahinga, ito ba yung paraan para makatulog ako? “Goodnight Lilia” may naramdaman ako sa nook o, hinalikan niya ako sa noo, hala yung plano, kailangan ko nang umalis pero inaantok na ako.

My Lover is a Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon