Chapter 2
Peace
Kakatapos ko lang gawin ang mga projects for the whole week. It's 9:30 in the evening and it's friday and it means long sleep. Great!
I left my things on the study table kasi natatamad akong mag-ayos nang school bag ko. I'll just arrange it on sunday evening or pwede din sa monday morning nalang.
Tumayo ako galing sa pagkakaupo nang matagal at nag-inat nang katawan. It feels so good.
Binuksan ko yung cabinet ko to get some nighties para matulog na. This day is pretty exhausting. Well every school day is exhausting talaga.
I was about to enter my banyo nang tumunog yung cellphone ko. An unknown number flashed on the screen. I usually talk to strangers in person, ano pa ba kung cellphone lang. Baka kung sino to.
"Hello?"
Walang sumagot sa kabilang linya, all I can hear is a heavy breathing of a ....guy?
"Hey? Kung ayaw mong sumagot puputulin ko na to." banta ko sa kanya.
Pero I'm not the typical girl who turns off the phone if some unknown person is calling her. Well I can do some talks just to know whose in the other line.
"You know mister, if you have some problema na dinadala at gusto mong ishare sa buong mundo, well nagkakamali ka nang tinatawagan. I'm not Dj Cha-cha at hindi kita matutulungan sa problema mo." seryoso kong saad.
Narinig ko syang sumipol sa kabilang linya. Weird.
"Isa!" bilang ko.
"Ayaw mo talaga? Dalawa!"
Iniinis ba talaga ako nito? Gusto kong putulin ang linya pero may nagsasabi sa akin na wag. Ughhhh.
"Tatl-"
"Init nang ulo natin Aria ah!" I heard him chuckled.
Damn! Kilalang kilala ko ang boses nato. It can't be! Shocks.
"Sino to?" tanong ko sa isang malditang tinig. Gusto ko lang klaruhin kong sino.
"Really, Autumn Ariadelle dela Vega?" he chuckled even more. That laugh hmmm.
"Ryanair Vin Samaniego." I said. Controlling my voice to be normal. Kinakabahan ako at kinikilig. Why is he calling? For the first time.
"And?" he asks playfully.
Ano ba?
"And w-what?" feel ko lalabas na talaga yung puso ko sa kilig.
"Nevermind. I called because I want you to know that ikaw ang pinartner sa akin para isama sa isang convention sa Bacolod City."
Nagulat ako sa sinabi nya. Bacolod City? What the hell? Ang layo nun! Not sure if papayagan ako ni Papa na pumunta dun. But kasama si Ryan! Masyadong malaking opportunity ang mawawala if incase.
"Me? Why me?"
Yeah why me? I'm not into seminars and conventions, nakakastress.
"Why not? It should be a boy and a girl. Kaya tayo ang pupunta." he answered calmly.
"Madami naman jan. Of all people Ryan ba't tayo? I mean, for sure maraming mas nerdy girls jan diba? And you? Diba ayaw mo sa mga meeting kasi nabobore ka lang?"
Ryan chuckled. Bakit ba hilig nyang tumawa ngayon?
"Stalker ka talaga!" he teased.
I rolled my eyes, di naman nya makikita. Why so playful, baby?