Terence POV
Nang maka pasok ako sa aking silid ay pabalibag kong sinara ang pinto. "Nakakainis maganda na sana yung gabi ko, kung hindi lang sana sinira ng gagong Brando na yon..Gusto niyo bang malaman kung bakit kami nag away..Ganito kasi yon...role VTR ah este Flashback pala....
Flashback!
Nang iwan ako ni Ninang ay lumapit sakin si Brando, classmate ko siya at may pagka mayabang si Brando. Ayaw nitong nalalamangan, gusto nitong ito ang laging bida sa school nila. Kaya alam niyang may galit ito sa kanya dahil mula nang mag aral siya sa school na yon, nawala ang popularity nito at sa kanya napunta.
"Oh hi Terence ganda ng ka date mo ah! Paarbor naman" naka ngising sabi sakin ni Brando
"No way!" inis kong sabi.
"Wag mong sabihing my gusto ka sa tita mo?
Napamaang ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na alam pala niyang tita ko si Sofie.
"Kung gusto mong malaman kung pano ko nalaman na tita mo siya, simple lang my mga estudyante akong narinig na pinag uusapan ka nga, nabanggit nga nila na best friend ng mama mo ang kasama mo ngayon.. Kaya sakin nalang ang kadate mo, hanep ang ganda at sexy niya..bagay kami" sabi nito habang nakangisi. Dinilaan pa nito ang ibabang labi na parang pinagpapantasyahan ang Ninang niya.
"Eh gago ka pala" galit na sigaw ko sa kanya.
"Bakit aalma kana! lalaban kaba sakin? galit din na tanong nito sakin..
"Oo wag na wag mong babastusin ang ninang ko!
Madami nang estudyante ang nakakapansin sa nagaganap na away namin.
"Sige dun tayo sa labas" aya nito
Mabilis naman siyang sumunod, nagsisunod din yung iba para makiusyoso. Pag kalabas namin ay sinuntok ko agad siya. Sapol ang kanang pisnge nito. Hindi agad ito nakailag akala siguro nito ay hindi ako lalaban sa kanya. Kung nuon hindi ako pumapalag sa kanya, ngayon lalabanan ko na siya..hindi ako papayag na bastusin niya ang babaeng mahal ko. Nagsuntukan lang kami minsan natatamaan niya din ako. Pinalibutan na kami ng mga tao, maya-maya ay may lumapit saming mga guard, inaawat kami. Napatigil ako sa pagsuntok ng marinig ko ang boses ng babaeng mahal ko.
"Terence!
Pinaglayo kami ng guard, agad akong lumapit kay Sofie pero humarang si Trisha.
"Terence ok ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Trisha
Sa halip na sagutin ko siya ay tinalikuran ko siya at hinila si Sofie pauwi.
Alam ko na hindi maganda yung ginawa kong pang iiwan sa kanya sa sala. Pero hindi ko na kasi alam kung anu isasagot ko sa kanya. Hindi ko naman pwedeng sabihin na siya ang dahilan kung bakit nakipag away ako. Kaya minabuti ko nalang na pumasok nasa kwarto.
Humiga na ko, napag pasyahan kong matulog nalang at pagkagising ko nalang iisipin kung ano yung idadahilan ko kay ninang pag tinanong niya ko bukas tungkol sa nangyari kanina. Kinuha ko ang picture niya na nakatago sa ilalim ng unan ko..
Gusto niyo sigurong malaman kung kaninong picture ang hawak ko.........Picture to ni Ninang....Matagal ko na tong tinatago kahit si Barbie hindi alam toh! Ayoko kasing makarating ito kay mama, siguradong isusumbong niya ko kay ninang....Gabi gabi ay pinagmamasdan ko toh bago matulog. Iniisip niyo siguro na pinag iisipan ko siya ng malaswa habang tinitingnan ko yung picture niya. Nagkakamali kayo kase ang lagi kong iniisip ay kung pano ko masasabi sa kanya ang nararamdaman ko na hindi niya ko pagtatawanan at sasabihin niyang nagbibiro ako.
