Chapter Twenty Three

1.6K 34 0
                                    

Reign POV

Kasalukuyan akong nasa airport para sunduin ang parents ko ngayon kasi ang uwi nila buti na lang wala ngayon si AJ at hindi ako nahirapang umalis.

"Mom! dad!" Tawag ko sa kanila.

Agad ko silang nilapitan ng makita nila ako.

"Reign! We missed you!" Sabi nila sabay yakap sa akin.

"I missed you too mom, dad! Let's go! Para makapagpahinga kayo." Sabi ko.

Sumakay na agad kami ng van.

"Namiss ko dito." Sabi ni mom ng makarating kami sa mansyon.

"Tara mom! Let's eat. I'm sure namiss nyo rin ang mga lutong pinoy."

"Tama ka dyan iha! Tamang tama gutom na din ako." Sabi naman ni dad.

Nagtungo na kami sa kusina para kumain.

Hindi naman halatang namiss nga nila ang lutong pinoy. Halos maubos lang naman nila ang nakahandang pagkain. Kahit naman kasi may edad na sila malalakas pa din silang kumain.

"Kamusta ka naman dito anak?" Tanong ni dad.

Kasalukuyan kaming nasa living ngayon nagpapahinga.

"Ok naman dad!"

"May boyfriend ka na ba dito? Sigurado akong maraming nanliligaw sa iyo dito." Nabigla naman ako sa tanong ni mommy. Hindi ko kasi alam kung matatanggap nila ang relasyon namin ni AJ eh. Pero alam kong kailangan kong sabihin sa kanila iyon hindi ko nga lang alam kung papaano.

"Ano ka ba naman sweetheart. Yan agad ang tinatanong mo sa anak natin." Pabirong sabi ni dad.

"Eh sa gusto kong malaman kung may lovelife ba sya dito eh. Masama bang magtanong?" May pagtatampong sabi ni mom kay dad kaya napangiti ako. Ang kulit kasi nila.

"Eh ~~" may sasabihin pa sana si dad pero pinutol ko ito. Nilakasan ko ang loob ko na sabihin na yung tungkol sa amin ni AJ.

"It's ok dad! May ipagtatapat pala ako tungkol dyan." Sabi ko sa kanila. Sabay naman silang napatingin sa akin.

"Ano yun anak?" Tanong naman ni mom.

"Ahmm. Mom dad. I'm sorry po. Sana po hindi kayo magalit at sana matanggap nyo ako." Sabi ko ulit habang nakayuko. Sa totoo lang kinakabahan na ako ngayon. Paano kung hindi pala nila kami kayang tanggapin?

"Ano ba iyon? Buntis ka ba? Magkakaapo na ba kami." Excited na sabi ni dad kaya napatapik ako sa noo.

My god! Hindi naman ako mabubuntis ni AJ. Biglang pumasok sa isip ko kaya napailing nalang ako.

"Ano ka ba sweetheart? Puro ka kalokohan. Buntis agad ang nasa isip mo." Sabi ni mom. Sabay baling sa akin. "Ano ba kasi yun iha? Puro kasi kalokohan tong daddy mo eh."

"Hindi po ako buntis." Natatawang sabi ko. "Actually, I loved someone at sa kanya ako nakatira ngayon." Sabi ko.

"Ahh un naman pala eh. Syempre matatanggap namin yan. Gaya nga ng sabi mo mahal mo sya. Anong bang trabaho nya? Kung iniisip mong baka hindi namin matanggap ang estado nya sa buhay. Nagkakamali ka anak. Ang importante sa amin ang kaligayahan mo." Sabi dad.

"Sundalo po sya dad." Maikling sagot ko.

"Aba un naman pala eh. Dapat proud ka sa kanya. Isang magiting na sundalo pala ang boyfriend mo eh. Wala kang dapat ikabahala sa amin ng mommy mo tanggap namin sya. Di ba sweetheart?" Tumango naman si mom.

I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon