05 - Lover

22.4K 726 106
                                    

Isabelle



"Where are we?" tanong ko kay Cara nang ihinto niya ang minamanehong kotse sa isang pamilyar na parking lot.

"Sa isang branch ng Maxine's. I hope it's okay with you. Doon tayo sa itaas, the view from the balcony there is spectacular."

"Oh I've been here before, and you're right. Maganda nga yung view 'don sa itaas."

"Great, so tara?"

Tumango ako saka kami sabay lumabas ng sasakyan. Pagpasok namin sa loob at pagdating namin sa balcony, napangiti ako nang makita ang isang table na naka-set up na. Walang ibang table dito kundi ito lang. It seems like pinaghandaan 'to ni Cara.

"You prepared all of these by yourself?" nakangiting tanong ko habang tinignan ang nakahandang candlelit dinner.

"Yup, do you like it?"

"Yes. I'm impressed, ang ganda ng pagka-arrange."

"I'm glad you liked it, pinakiusapan ko pa yung kaibigan ko para i-reserve ang space dito. You know, so we could spend our time alone." Lumapit siya sakin saka iginuyod ang silya para paupuin ako. What should I say this? Ah, gentle woman.

Pagkatapos kong umupo ay si Cara naman ang umupo sa kabilang side. Now we're facing on each other.

"So this is it, the date." Nakangiting sabi niya bago pinag-salikop ang daliri namin. "I hope you also like my effort. Hindi ako sanay sa mga ganitong preparations, first time ko pang gawin 'to."

"I liked it. Simple things make me happy, mababaw lang kasi ang kaligayahan ko."

Mahina siyang natawa. "I'm also hoping that you will like the foods, it's all your favorites actually."

"Talaga?" bumaba ang tingin ko sa mga nakahandang pagkain. Ngayon ko lang napansin na puro paborito ko ang naka-hain doon. "How did you know that these are my favorites?"

"Let's just say nagbabasa ako ng lifestyle magazine. Tapos timing na na-featured ka, nakalagay 'don yung mga Likes and Don'ts mo kaya alam ko."

I giggled. "Kaya naman pala,"

Ngumisi siya. "So how's your work?" she asked as she have butter-steak as a starter.

"Pressured." i answered while slicing my grilled steak. "Next week busy na naman ako. My manager is the one who pressures me a lot, gusto nya kasi laging on time e."

"Sorry to hear that. I feel you, ganon din kasi yung manager ko pero lagi ko syang sinusuway, ayoko kasing kino-control ako sa lahat ng bagay na gagawin ko."

"Nagawa mo yung suwayin?" kilala ko ang manager niyang si Madam Agnes. Strikto ito at may pagka demanding. Minsan ko na itong naging handler noon pero hindi nagtagal.

"Yup, Tita Agnes is a control freak. Lahat na yata kaming under sa management nya ay ginaganun nya, except for me. Sumasakit na yung ulo ni Tita sakin kasi lagi ko siyang ini-ignore at sinusuway, kaya eto pinabayaan nya na ako sa mga gusto ko."

"Bad girl," amused na sabi ko.

"Hindi naman, slight lang." natatawang sagot niya. "Nga pala, uhm...since nasa mutual understanding stage na tayo. Can I ask something?"

"Sure, what is it?"

"Ano yung mga ayaw at gusto mo sa isang relationship?"

Saglit akong nag-isip. "Tatlong bagay lang naman yung hinihiling ko. Una, honesty. Pangalawa, loyalty. At pangatlo, willing to wait."

"I can do that," walang gatol na sabi niya.

"Weh? Talaga?"

"Oo naman. Alam mo ba? yung mga naging past relationships ko, honest at loyal talaga ako. Kaso sila yung may problema e, sila yung nakipag-break sakin."

Accidentally In love (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #3) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon