Nurse

135 3 0
                                    

Habang kinukwento ko to sainyo ngayon ay kinikilabutan pa rin ako. Nangyari lang ito kahapon, unang araw ng confinement ni Lola sa hospital. Naisipan kong ikwento na dito para gumaan panandalian ang kilabot sa katawan ko.

Sabado, 8pm nang gabi.

Tapos na kaming kumain ng hapunan kaya naman nanunuod na lang kami ng TV pampaantok. Nang matutulog na si Lola, pinatay na ang mga ilaw dahil hindi ito sanay matulog ng maliwanag. Nag iwan lang ako ng isang bumbilyang bukas para maliwanag ng konti pag nag rounds ang mga doctor at nurses.

9:30pm...

Nagising ako ng marinig kong may pumasok dahil na rin sa maingay ang pinto nito. Sa sobrang antok ko, hirap akong imulat ang mga mata ko para mamukhaan ang nurse na pumasok. Basta ang alam ko babae siya. Papungay pungay ang mga mata ko kaya naman pinikit ko to pero pinapanatili kong gising ang diwa ko habang hindi pa tapos mag check ang nurse. Kasalukuyang nakapikit ang mata ko at pinapakiramdaman ang nurse kung may mga itatanong siya tungkol kay Lola ng bigla akong nagtaka. Lumilipas na ang limang minuto ay wala pa ring nagsasalita. Ni ingay na katiting ay wala.

Nakiramdam pa ako ulit dahil naisip ko na baka chinicheck lang niya ang pulse rate o ang swero ni Lola. Pero hindi ko pa rin magawang magtaka kung bakit wala akong marinig kahit mahinang kalansing man lang ng gamit. Gayunpaman, pinili ko pa ring pumikit at makiramdam.

Ganon na lang ang pagtataka ko na lumipas na ang 15min ay wala akong narinig na bukas at pag sarado ng pinto. Doon nagsimulang kabahan ako. Imposibleng nagkamali ako ng nakita na may pumasok na nurse nang oras na yon! Kahit antok na antok ako ay sinigurado kong nurse nga ang pumasok. Doon ko sinimulang idilat ang mga mata ko kahit natatakot ako.

Pag dilat ko ay tanging madilim na kwarto lamang ang nakita ko. Walang nurse na nandoon! Imposible! Takot man pero pinilit ko tumayo mula sa kinahihigaan ko at tinungo ang cr para kimpirmahin kung may tao o wala. Pagtingin ko at wala naman. Nasaan na siya??

Bigla akong kinilabutan kaya bumalik ako sa sofa at nagtalukbong ng kumot. Bahala na! Nawala na rin naman ang antok ko nun. Inisip ko na lang na saka ko na tatanggalin ang kumot pag may narinig ako na nag rounds na nurse at doctor na maririnig ko talaga na may ingay at makukumpirma kong totoo nga.

2:55am...

Nakatulog pala ako. Siguro sa sobrang takot sa nangyari nung gabi. Nakaramdam ako ng sobrang lamig kaya naman minabuti ko na huwag muna alisin ang pagkakatalukbong ng kumot sa akin.

Bigla kong narinig na bumukas ang pinto.  Nakarinig din ako ng ingay ng sapatos na naglalakad papunta sa hospital bed ng Lola. Naisip ko na baka nurse ito o doktor kaya naman naisipan kong tanggalin na sa ang kumot at kausapin ang pumasok para itanong kung stable naman ang pulse rate ng Lola.

Ganon na lang ang hilakbot ko ng pag alis ko ng kumot sa mukha ko ay wala akong nakitang nurse o doctor sa loob. Wala. As in wala. Imposibleng nakalabas na dahil tuwing may papasok o lalabas ay maingay talaga ang pinto. Pangalawa, seconds pa lang nang mag decide ako na tanggalin ang kumot. Pangatlo, sigurado akong may pumasok dahil nakarinig ako ng mga yabag ng sapatos papunta sa kama at pintong nagbukas.

Hindi na ako nakatulog ulit. Nakasiksik lang ako sa sulok at patingin tingin sa bawat sulok ng kwarto.

3:15am ng may nag rounds na isang nurse na lalaki. Doon ako nagtanong kung may nag rounds ba sa kwarto namin ng 9:30pm at 2:55 ng umaga. Sabi niya, pagtapos daw ng 5pm at 7:30 na rounds nila eh 11pm na daw ang sumunod which is siya pa nga daw ang pumasok at napansin daw niyang tulog na tulog ako. Pagtapos daw ng 11pm at 3:15am na ulit.

Ibig sabihin iba ang taong pumasok nang mga oras na yon. Teka, tao nga ba? Basta ako hindi na ako nagbantay ulit kay Lola. Pinilit ko si Mama na siya na lang. Hindi ko na kakayanin ang isa pang gabi lalo pa't pag labas ng nurse na nakausap ko ay nakarinig ako ng kaluskos sa loob ng cabinet.

Kababalaghan: Mga Misteryong Hango sa Totoong Buhay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon