The Random Day (ch. 1)

10 1 0
                                    

first day of school hmmm balik skwela na naman. makikita ko na naman  ang crush ko. nakalimutan ko nga pala ipakilala ang sarili ko.

hi ako nga pala si Red Sorora. isa sa mga anak ng royal family. yup rich kid pero hindi ko kailangan ng yaman kaya umalis ako sa family ko. and now im living on my own . working student ako sa Arkom academy . isa akong librarian.
and so enough chitchat dahil malapit na ang klase.

damn . nakalimutan ko na naman ang lunch box ko sa bahay, nag mamadali kasi akong umalis dahil late na ako, Malayo kasi tong bahay ng kaibigan ko. yes nakatira ako sa bahay ng bestfriend kong si luis. kaya ko lang naman siya naging kaibigan si luis dahil sa pag sagip ko sa kanya ng harangin siya ng mga nambubully sa kanya. siguro napag tripan ko lang din na iligtas siya doon dahil sa isa ako sa mga palaaway sa school. pero mag kaiba kami ng schedule ako pang umaga siya pang hapon kaya lagi siyang inaabangan tuwing papasok na lang na nag kataon na uwian ko naman.

"Red!! haynako late ka nanaman" ang sigaw ni jamie

ng marinig ko yun, akala ko kung sino na, si jamie lang pala.
hindi rin nag tagal lumapit siya sakin at kinausap ako.

"oh jamie anong kailangan mo?"

lumapit sya sakin at may binigay, isang lunch box.

"eto red may dala akong lunch para sayo wag mo na lang muna ako tanungin at pumasok kana."  sabay ngiti sakin at tumakbo paalis.

yan si jamie maalalahanin kahit hindi ko siya masyadong kilala lagi parin niya kong binibigyan ng lunchbox pag naiiwan ko yung sakin.

pumasok na ko sa klase at first day palang ang dami ng bagong mukha akong nakikita parang halos wala akong kakilala dito. fresh graduate halos lahat at ako naman balik aral ulit puro cutting classes kasi ako. dahil yun sa tuwing nakakaramdam ako ng katamaran pero lahat yun nabago ng nalaman kong may kakaiba akong taglay.

Natapos ang klase ko na halos wala akong kinikibo, ang nasa isip ko lang ay ang makita sa uwian si Dianna, syempre alam nyo na si crush. hindi pa kami nag kakausap pero gusto ko na gumawa ng paraan kaso nahihiya talaga ako dahil sa pag ulit ko ng 1st year.

maya maya'y nakita kong palapit na sa akin si Dianne pero hindi ko nagawang makapag salita.

pauwi na ako pero hindi parin nakakausap si dianne natotorpe na ata ako. ng bigla kong nakasalubong papasok si Luis .

"oyyyy red ano nakausap mo na ba si dianne?"

"Hindi" ang maikli kong sabi na naka simangot

"ahh ganun ba so pano pasok nako. oo nga pala naiwan mo lunchbox mo ako na kakain neto mamaya ah hahaha"

"sige lang binigyan naman na ako ni jamie kaninang umaga"

"Awww kaingit ka talaga dami mong chix haha"

"loko loko sige na pumasok kana malate kapa."

nag patuloy ako sa pag lakad ng mag paalam na sakin si Luis. hindi ko rin namalayan na ngayong araw hindi ako sinabayan pauwi ni jamie, siguro may ginagawa pa siya sa school.

ng makarating ako sa bahay, tahimik na naman ang mundo ko marahil siguro na dalawa lang kami dito ni luis, sapagkat mayaman rin siya, binilan siya ng magulang niya ng sariling tirahan, at dahil sa kanya naka tipid ako, ayoko kasi gumastos katulad dati na maraming binabayaran.

May mga bagay ngang nag bago at sa taon na ito marami pa ang mag babago, aakyat na ako sa kwarto ko ng nakaramdam ako ng kakaiba, pakiramdam na may naka tingin sa akin, nag parinig ako na hindi ako natatakot.

"Kung may kailangan ka wag kana mag tago!"

pasigaw kong sinabi, ayoko sana mag isip ng kung ano ano pa dahil sa aking naramdaman, ang gusto ko na lang gawin ay mag pahinga, bandang hapon palang naman at marami pa kong oras.

Red SororaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon