Chapter 9

43 6 0
                                    

Tanghali na nang nagising si Terence, bumaba na siya at nagtuloy sa kusina. Naabutan niya doon ang kanyang kapatid na kumakain.

"Si Ninang?

"Pumasok na, may naka schedule daw siyang ooperahan ngayon.

"Ganun ba!" sagot ko habang naglalagay ng pagkain sa plato. Buti nalang pala at umalis ang ninang niya, hanggang ngayon kasi ay wala pa siyang naiisip na idadahilan pag tinanong siya nito.

"Kuya anong nangyari sa Prom niyo?  

"Ok naman" sagot ko habang ngumunguya.

"Magkwento ka naman kuya, kung anu ginawa niyo dun ni tita."kulit sakin ni barbie

"Wag na kumain kana nga lang dyan,"

"Ang sungit mo naman kuya,si tita na nga lang ang tatanungin ko pag uwi niya."inis na sabi ni Barbie.

"Tumigil ka nga dyan Barbie, alam mo naman na pagod si ninang aabalahin mo pa."

"Heh sungit!"agad na tumayo si Barbie at iniwan ako.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko ng biglang tumunog ang cp ko.

"Hello"

"Hello Rence, totoo bang napaaway ka kagabi?" tanong sakin ni Charles

"Kanino mo naman nalaman?" balik tanong ko sa kanya.

"Nakasalubong ko sa mall yung isa sa classmate natin, nakwento nga niya sakin na napaaway ka nga" Paliwanag ni Charles.

"Oo nga, ah buti pa Charles wag dito tayo mag usap baka kasi nakikinig yung tsismosa kong kapatid"

"Aba kuya! hindi kaya ako tsismosa!" biglang sabi ni Barbie na nakikinig pala.

"Eh! ano ibig sabihin niyan? Hindi paba pakikinig yan sa usapan namin? Kanina kapa pumasok sa kwarto mo ah!

"Eh napadaan lang naman ako dito sa kusina, titingnan ko lang sana kung naiwan ko dyan yung book na binabasa ko kanina, pero mukang wala dito yung book na hinahanap ko" sagot ni barbie saka kunwaring naghahanap. Eh sigurado naman akong wala dito yung book na hinahanap niya, halata naman kasing nagpapalusot lang siya.

"Naku palusot kapa! Sige Charles magkita nalang tayo sa tambayan."paalam ko

"Sige tatawagan ko narin yung iba para masaya"

" Bye!" pinatay ko na ang tawag saka ko binalingan ang kapatid ko.

"Oh anong tinitingin mo dyan?

"Kuya san kayo pupunta? Pwede ba kong sumama?

"Hindi pwede saka ano naman ang gagawin mo dun aber?"

"Wala sasamahan lang kita"

"Naku kunwari kapa, eh gusto mo lang masilayan si Charles eh!

"Ha....hindi...kaya" namumulang sabi ni Barbie.

Hindi ko nalang siya pinansin at pumunta nalang ako sa kwarto ko at nagbihis. Pagbaba ko ay naabutan ko sa sala si Barbie na tila hinihintay ako.

"Oy kuya wala talaga kong gusto ky Charles baka mamaya sabihin mo pa yun sa kanya, nakakahiya yon!" 

"Dapat lang, kabata-bata mo pa kumekerengkeng kana" sita ko sa kanya. Kahit naman kasi palagi kaming nagtatalo ni Barbie, concern parin ako sa kanya at di ko papayagan na maging sila ni Charles. Ayokong masali pa siya sa mga babaeng kinokolekta nito. At ayokong makitang luhaan ang kapatid ko kahit kaibigan ko pa si Charles makakatikim parin siya sakin ng suntok.

Torn Between Love Or FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon