Mga hindi maipaliwanag na bagay at pang yayari pero walang hindi nakakaalam. hahaha
Naranasan mo na ba iyong ka-pangalan lang niya eh, napapangiti kana.
Na kahit anong baliwala mo eh, mabalitaan mo lang na parating na sya, ayun, bumibilis ang tibok ng puso mo, di ka na makahinga pero nakukuha mo pang ngumiti ng pa-simple.
Kahit sobrang inis, bwisit, sama ng loob mo sa kanya, isang malambing na pagkakasabi lang nya sa pangalan mo, ayun, wala na ang lahat ng effort mong tampo.
habit mo ng tambayan ang facebook account nya, hala, every 15 minutes profile nya ang naka-open.
Mga simpleng bagay sa kanya, tulad ng "mannerism" nya, gasgas sa kamay nya, kakaibang smile, kung malamig ang ulo nya o badtrip. Naku sagap na sagap mo.
Ang cologne nya, hayy, para bang di kumpleto ang araw mo kapag di mo nalanghap. hahaha
Nakagat mo ung dila mo ng hindi sinasadya, mag bibigay ng number yung tropa mo, kahit di ka naniniwala tapos sakto sa binigay nyang number ung first letter nya, ayun, mapapaisip ka "di nga? hehe" (Corniest but, it's trueeeeee)
Ang daming dahilan para di mo sya magustuhan pero sadya lang na may "something" eh, kaya siya talaga eh. Hayyy.
kahit alam mo ng "HINDI KA NYA GUSTO" hala, asa-ness pa rin pa rin ang peg.
Kahit na pang 10 thousand " don't assume warning" ang ginawa nya, at ilang beses mo ng isinigaw sa sarili mo na "wag kang assuming! pwede?" hayy, it will just take 1 day or less para umasa ka nanaman at gawing hobby ang "hope".
Kabaliw.. har har har