Truth or Dare [One Shot]

1.1K 37 8
                                    

Enjoy Reading~

"O? Spin the bottle tayo?" yaya ng mga kaklase ko.

And as usual, sigurado akong kapag nakaturo ang bottle sayo at truth ang pinili mo, sure akong ang unang tanong ay, 'sino ang crush mo?' at kung dare naman ang pipiliin mo, may ipapagawa sa'yo na may kinalaman pa rin sa crush mo.

"Uy, sali tayo," yaya sa akin ni Yuri, bestfriend ko.

"Pass na muna ako," sabi ko.

"Bakit?" tanong nito.

"Pupunta na muna ako sa canteen," palusot ko.

"Diba bago lang tayo natapos maglunch?" takang tanong nito.

"Nagutom ulit ako e," palusot ko na naman.

Tinitigan na muna ako ng kaibigan bago magsalita.

"Nagpapalusot ka lang no? Ayaw mong may makaalam kung sino ang crush mo," sabi ni Yuri sabay pindot sa tagiliran ko kaya napaigtad ako.

"Wala akong crush no," pagkukunwari ko.

"Weh? Lahat ng tao may crush," sabi na naman nito.

"May crush naman ako ah, ang lahat ng members ng Girl's Generation at EXO," sabi ko tapos nagpout nalang siya.

Alam naman talaga ng bestfriend kong 'to na kahit anong gawin niya, hindi ko sasabihin kung may crush ako o wala. Nakakasawa kase ang mga asar at kantyaw ng mga kaklase mo kapag nalaman nila kung sino ang crush mo. Kaya nga kapag may mga games na ganyan e umiiwas agad ako.

"Sige na! Bumuo na ng malaking circle at umupo ang mga sasali," narinig kong sabi ng isa kong kaklase kaya naman, bago pa nila ako makita ay umalis na agad ako at dumiretso sa canteen.

Matapos mainip sa kahihintay na magring ang bell sa canteen ay pumunta nalang ako sa library at nagbasa ng ilang libro. Halos mga ilang minuto rin ako dun hanggang sa marinig ko ang tunog ng bell.

Sa wakas nag-ring na rin. Makapunta na nga sa room ko at baka malate pa ako sa first subject sa hapon.

Pagpasok ko sa room namin ay nakaupo na ang lahat ng mga kaklase ko sa mga tamang upuan nila. Mukhang lahat ng mga kaklase ko ay sumali sa laro at parang ako lang ang hindi.

Nang makaupo na ako ay kinalabit ko agad si Yuri, nakaupo lang kase siya sa tapat ko kaya pwede ko lang kausapin.

"Hmm?" tumingin agad si Yuri na nagtatanong ang mukha.

"Anong nangyari sa truth or dare niyo?" tanong ko.

"Ah, okay naman," sagot nito.

"Lahat ba ng classmates natin sumali?" tanong ko ulit.

"Oo, ikaw nga lang ang hindi e," sabi nito.

"So, may mga rebelasyon ka bang nalaman?" tanong ko, nacurios tuloy ako.

Bigla nalang lumiwanag ang mukha nito.

"Alam mo bang si Erik ay may gusto pala kay Mika tapos si John ay nagagandahan kay Sam. Si Jessa ay matagal nang crush si Chris at ito namang si Cj ay may crush s---" hindi na nito natapos ang kwento dahil bigla nalang umepal si Sam, class president namin.

Ako nga pala si MJ at babae po ako. Mary Joy ang totoo kong pangalan, 15 years old at kasalukuyang nasa 3rd year highschool.

"Sorry Mj pero hindi pwedeng sabihin sa hindi sumali ang mga nalaman namin e," sabi ni Sam. Nag'ahh' nalang ako pero sayang, excited pa naman akong malaman kung sino ang crush ni Cj. Pero okay lang, para naman hindi ako magselos.

Truth or Dare [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon