F O R T Y T W O

1.5K 70 12
                                    

Part X (Continuation)
--

Dumeretso si Maymay sa kwarto niya at hindi man lang pinansin ang kapatid niyang sinalubong siya ng ngiti. Ni-lock niya agad ang pinto at nahiga siya sa kama niya. Kumakatok si Fenech sa pinto pero hindi niya rin pinapansin kaya sa kalaunan ay tumigil nalang din ito.

Nakatingin lang si Maymay sa kisame at napansin niyang unti-unting lumalabo ang nakikita niya. Yun pala, nangingilid na ang mga luha sa kanyang mga mata. Ikaw ba naman kasi ang tumulong sa taong mahal mo para sa ibang mahal niya, syempre, nasasaktan siya.

Agad naman din siyang bumangon at nagpunas ng luha. Nakita niya kung gaano kasaya si Edward habang nagkukwento kaya naman natigil siya sa pag-iyak dahil dito. Napaupo nalang siya sa may study table niya ng nakatulala.

Biglang nahagip ng kanyang paningin ang dinikit niyang papel. Naalala niya ang sinabi ni Edward sakanya tungkol dito: "Live by it, May." Nagbalik lahat ng masasayang alaala nito kasama siya, at kung tama nga ang pagkakaintindi niya - ay nais nitong umamin na  siya.

"Oo nga, May. Ang sabi niya umamin ka. Pero jusko naman, hindi niya alam na siya. Magkakagulo ka pa. Hayyy! Sakanya? Kaloka! Paano?"

Kinakausap na ni Maymay ang sarili niya sa harap ng salamin habang iniisip kung ano ang dapat niyang gawin. Aamin ba siya?

Maya-maya pa ay nagvibrate ang cellphone niya. Nagtext si Edward. Si Edward nanaman, at nagpapaalala.

"It's never too late even if it's too late, Maymay. I only want happiness for you. Tomorrow, I'll have the time of my life. I hope you do too."

Napa-buntong hininga nalang siya. Paano namang sasaya siya eh yung kaligayahan niya ang pwedeng magpapawala ng saya ng iba? Nalilito parin siya kaya tinawagan niya na si Marco na puntahan siya, na agad naman ding dumating at pumasok sa kwarto niya.

"Anong problema?"

"Si Edward kasi eh. Sinama ba naman ako magshopping ng kung anu-ano para sa babae niya."

"Hahaha! Ay sorry."

"Ito naman eh! Ang sakit kaya."

"Psssshh. Bakit kasi di ka pa umamin?"

"May panahon pa ba?"

"Oo naman! Laging may panahon kung maglalaan ka. Hahaha"

"Bakit nga ba kasi pinatagal ko pa eh? Ayan tuloy, bukas, wala na."

"Alas-nuebe pa naman yung dinner ah? Hahaha May oras pa."

"Seryoso ka? Eh pinaghandaan niya ng matagal to tapos sisirain ko? Paano kung di niya ako gusto?"

"Paano kung kahit konti, eh oo?"

"Paano. Paano. Paano."

"Basta, subukan mo lang. Yan pala o! May pa-quotes ka pa diyan sa cork board mo. Sabi, 'you need to do things' tapos ikaw nagmumukmok dito? Ay sus."

"Si Edward nagsulat niyan."

"Edi mas lalong dapat mong gawin. Hindi niya  man alam na siya yun, at least, pag nasabi mo maiintindihan ka niya."

"Eh baka kasi. . "

"Hayst. Eto. May sasabihin ako. Alam mo bang ganyan din ako kay Vivoree noon? Hindi ko na nakwento sa'yo kasi kami naman na. Pero, hirap na hirap din ako nun, kung aamin ba ako o hindi. Ang sabi niya sakin, sila na ni Christian. Selos na selos na ako. Pero alam mo naging ending? Magpinsan pala sila. Hahaha"

Back For You (MayWard) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon