Part 1: Cactus

52 0 0
                                    

Frank's Voice: "Akala ko"..., dalawang salita ngunit may dalang konting kurot, konting lungkot at konting pagpaparamdam sa iyo na masyado kang umasa sa isang bagay. Minsan sa buhay, hindi talaga natin maiiwasan na may mga bagay na  nagpapaligaya sa atin ngunit may hangganan lang pala, "akala mo", pangmatagalan na. Minsan, dumarating ang mga mabibigat na problema at "akala mo", malakas kang tao ngunit unti unti na palang tumutulo ang iyong mga luha. But on the other hand, akala mo wala ka nang pera pero paglagay mo ng kamay mo sa iyong bulsa, may pera ka pa pala. Akala mo minsan walang makakaintindi sa'yo pero hindi mo alam na may mga tao din palang nakakaunawa sa situwasyong meron ka. Alam ko, this life is unpredictable. Pero minsan kailangan mo din hanapin ang kakayahan mo bilang isang tao, alam ko minsan akala mo mahina kang tao pero subukan mo lang magtiwala, marerealize mo, akala mo lang pala ang lahat." 

Isang maaliwalas na umaga. Sumasayaw ang mga matitingkad na kulay ng bulaklak sa bawat kalye kasabay ng haplos ng preskong hangin. Ang araw ay tila nakangiti sa taglay nitong mainit-init na temperatura. Ang mga berdeng kulay ng dahon ng mga puno ay dahan dahang gumagalaw at tinatakpan ang ilang maiinit na espasyo sa kalye. Malilim, malamig lamig ang pakiramdam at masarap lang ipikit ang mga mata habang dinaramdam ang sarap ng simoy ng hangin. Bawat taong naglalakad at bawat sasakyang rumaragasa ay may sari-sariling destinasyon. Isang araw muli para harapin ang buhay.  

Glass window, shades of black, gray and white wall, woods attached to the wall, plants, cactus, flowers and the smell of floral scent, yan ang makikita mo sa IVY floral store kung saan nagtratrabaho si Frank. Frank is a talented and passionate flourist and he is also part of the wedding planning team. Pagdating sa pag-aayos ng mga bouquet or any plant and flower arrangements, siya ay napakametikoloso. Hindi pumapasok si Frank sa kanyang trabaho without dressing up so well. You can see him with his different types of polos with different patterns and colors. Wearing his black sandal or maroon loafer along with his slacks pants na nagpapahaba pa lalo ng feature ng legs niya. He also like to style his own hair, mapa hair up or down. He also wears his silver watch, silver ring or some accessories. He has a good skin, pinkish lips, strong pointed nose and gentle eyes. In able for him to achieve his daily overall look, it takes an hour for him to dress up na rason ng pagiging laging late niya sa trabaho.

"Tsss, I'm late! bulong ni Frank sa sarili pagbaba niya ng bus at naglakad patungo sa tapat ng poste sa may pedestrian crossing. In three...two...one, the streetlight turned into green. Binilisan ni Frank ang pagtawid at dumaan siya sa isang cafe with a glass window kung saan kita niya ang isang matandang lalaking may iniinom na kape along with a breakfast meal bacon, egg and toast. Nakalapag din infront of him ang blank paper and pencil. Napatingin ang matandang lalaki habang iniinom niya ang kape sa labas at nagkasalubong ang kanilang tingin sa bawat isa. Ngumiti si Frank and tinango niya ang kanyang ulo at ganun din ang matanda saka na siya tumuloy sa paglalakad. 

"Ding! tunog ng bell sa store pagpasok ni Frank

"Frank, ten minutes late! sabi ng store owner

"I'm sorry Ivy! tra...ffic! he replied stutteringly

"Oh, Frank! every morning, traffic!" nakangiting sagot ni Ivy sabay baba ng kanyang glasses sa ilalim ng kanyang mga mata.

Ngumiti awkwardly si Frank sabay deretso sa staff room para ilagay sa locker ang dalang bag at mug of coffee. Nagkasalubong sina Frank at Naomi na may bitbit na vase na may malalaking lamang mga fresh roses.

"Goodmorning Frank! Ten minutes late! sabi ni Naomi na tila nabibigatan sa kinakargang vase.

"Shhh, stop it Naomi! May mga inasikaso lang ako kaya na-late" sagot ni Frank.

After putting his stuff away, dumeretso si Frank sa may front area kung saan malapit sa entrance door para batiin ang mga pumapasok na customers habang inaayos ang ilang mixed colors purple, red and yellow fresh tulip flowers sa isang bucket. Frank greets every customer sincerely and nicely and inaask kung anong specific occasion ang pupuntahan or icecelebrate nila para malaman niya kung anong appropriate floral arrangements, flowers, and colors ang hahanapin or irerecommend niya. There's this girl named Tanya na laging pumupunta sa IVY, she is a teenage girl and very innocent. Every time na papasok siya sa shop, tila lagi niyang hinahanap si Frank to take a glance, ngingiti saka kikiligin. Hindi mo naman masisisi si Tanya because Frank is really an attractive guy. Tumayo si Tanya sa tapat ng isang shelve kung saan nakadisplay ang ilang scented candle katapat ng mga tulips kung saan nandun si Frank na ngayon ay ina-arrange naman ang red amaryllis and pink carnation flowers. Kumuha si Tanya ng isang scented candle saka nilanghap ang amoy ng garden rain scent habang ang isa niyang kamay ay nakalagay sa kanyang pocket. Pasikretong lumilingon lingon si Tanya sa kanyang likod para masilayan ang busy na si Frank saka papikit pikit niyang ginagalaw ang kanyang pa-cute na mga mata. 

"Hi! is everything okay in here? biglang tanong ni Frank sa kunwaring busy na si Tanya habang inaamoy ang mga scented candles. Nagulat na lumingon si Tanya, tila namula ang kanyang mga pisngi at tumigil ang kanyang mundo at hindi na nakasalita. Nagtagpo ang kanyang mga mata sa mga mata ni Frank. 

"Miss? okay ka lang? tanong ni Frank 

"Ahhh, yup! yup! ju....st browsing! sagot ni Tanya kasabay ng malakas na tibok ng kanyang dibdib

"Okay! just let me know kung kailangan mo ng help, okay?  sagot ni Frank sabay deretso sa front desk kung saan busy si Ivy na inaayos ang ilang papers, scheduling, planning, updating her customers via phonecalls, etc. 

"Frank! come here, so we have a new delivery from Rio De Hardenero. Aloe vera, cactus, baby's tears plant, bird of paradise and anthurium. Please arrange them somewhere around the store. I trust you naman Frank, I know na very neat and organize mo namang tao. I am just here doing some phonecalls" utos ni Ivy.

"Sure! ako ang bahala! ngiting sagot ni Frank enthusiastically. 


Binuhat ni Frank ang box of baby aloe vera then he started arranging them sa corner ng store katabi ng mga scented candles. He made sure na aligned lahat ang mga cute little pots. Sumunod na binuhat ni Frank ang pots of anthurium. Nakangiting pinagmamasdan ni Tanya ang mga ugat na lumabas sa mga braso ni Frank sa pagbuhat niya sa paso saka na siya nagdesisyong umalis ng store. Sumunod na binuhat ni Frank ang box laman laman ang maliliit na paso na may nakatanim na cactus. Dahan dahan at isa isa niyang inarrage ang mga ito to make sure na hindi siya matutusok at masusugatan. 

Habang inaayos ni Frank ang mga cactus ay bumukas ang entrance door. 

"Good morning! how may I ..." saka biglang tumigil magsalita si Frank sa kanyang nakita habang hawak hawak ang cactus sa kanyang kamay.

Tila bumagal ang mundo ni Frank. Biglang kumabog ang kanyang dibdib at hindi niya alam ang kanyang magiging reaction sa kanyang nakita. Bumungad sa kanyang paningin si Leonardo hawak hawak ang kamay ng isang babae. Si Leonardo na may suot na white polo at bukas ang butones hanggang sa kanyang dibdib. Gentle eyes, slightly tanned skin, strong face shape, well-dressed and totally new person compared ng mga panahon na nakilala siya ni Frank. 

"Ouch! gulat na sabi ni Frank ng nahawakan niya accidentally ang tinik ng cactus. 

- end of part 1 - 

Frank's Voice: "May mga bagay na masarap minsan pagmasdan. Pero minsan, kailangan mong mag-ingat, dahil maganda man silang pagmasdan, kapag naramadaman mo ang tinik o sakit na idinulot sa'yo, magdurugo ka pa rin at masasaktan. Different kinds of cactus, just like in reality, we are all different. Maaaring isa ako sa mga uri kung saan hindi nabigyan ng pagkakataong ilabas ang tinik meron ako. Pero you know what I learned? Endurance, even I feel like I am in a place where no one wants to fill my dry heart. Nakita ko uli siya, nakita ko uli si Leo. "Akala ko" okay ako ngunit bakit nakakaramdam ako ng ganito? 








You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Life's GardenWhere stories live. Discover now