Part 44 (Hurting)

3.2K 75 0
                                    





Abcd POV




Maaga akong nagising para makapag ready sa class ko. Nagulat pa ako ng makita ko ang mukha ko sa salamin medyo namamaga ang mata ko at namumula. Kakaiyak ko kagabi yan ang nangyari.




Palabas na ako ng harangin ako ng landady namin.







"Ms. Jillian ipapaalala ko lang sayo ang bayad sa renta mo" mataray na sabi nito.







"Huwag po kayong mag alala magbabayad po ako" malumanay na sagot ko.







"Aba dapat lang kung hindi paalisin na kita jan at marami ang pumipila para umupa sakin" pasigaw na sagot nya kaya bigla sumakit ang tenga ko.





Nginitian ko na lamang sya at nilagpasan ng makaalis na. Hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo sakin nung matandang yun eh isang beses lang naman ako nalate magbayad. Naiinggit siguro sa beauty ko. HAHA






Nakikita ko na ang gate ng school namin kaya naman nagready na ako bumaba. Madame dame ang dala kong folders dahil may pinagawa sakin si mam.






Nakapasok na ako ng gate ng biglang may nakabunggo sakin or should I say may sadyang bumunggo sakin.






The one and only Bea and her friends. Nagtawanan pa ito ng nakitamg nagkalat ang mga dala ko.







"Oooops sorry may tao pala" maarteng sabi ni Bea at umirap pa.






"HAHAHAHA nakaharang kase sa daan eh" sambit ng kaibigan nya.





Woow ako pa talaga ang nakaharang eh sila nga itong nambunggo na lang.






"Next time wag kang haharang harang sa dinadaanan namin okay?" Sabi ni Bea at naglakad na papalayo.






"Napaka bully talaga nila" biglang may nagsalita mula sa likod ko.






Nakita ko naman ang grupo ng Demonic gang pero wala ang leader nila. Si Joshua ang nagsalita at tinulungan naman nila akong pulutin ang mga nagkalat na folders. Syempre si Joshua at yung kambal lang eh sila ang friendly eh. Hindi na ako magtataka kay Vince and Ken. Maaga sila ngayon.






"Okay ka lang ba?" Tanong ni Calvin.






"Oo okay lang ako" sagot ko dito.






"Napaka maldita talaga nyang Bea na yan gusto mo turuan ko ng leksyon" nakakalokong sabi ni Kevin.







"Nako wag na mas lalo lang lalaki ang gulo" Sagot ko sa kanila.







"Napakabait mo talaga kaya minsan tinatake for granted ka" paliwanag ni Joshua.







Bigla naman akong may naalala sa sinabi ni Joshua.






"Kaya mabilis kang maloko eh" dugtong ni Kevin.







"Ahmm Sige salamat sa inyo una na ako" paalam ko sa kanila at naglakad na palayo. Nakakardam na naman kasi ako ng sakit tuwing naaalala ko. Baka mapaluha pa ko sa naiisip ko.







Narinig ko naman nagtatalo ang tatlo ng makaalis na ako.










Calvin POV






Nakita namin si Abcd papasok na sa school. At nakita din namin ang ginawa ni Bea sa kanya. Kung hindi lang talaga babae yun matagal ko ng naitumba yun. Napaka maldita kase.







Tinulungan namin si Abcd na pulutin ang nagkalat na gamit nya.






"Masyado ka kasing mabaet kaya minsan natatake for granted ka" walang pag iisip na sambit ni Joshua kay Abcd.





Siniko ko naman si Kevin sa sinabi ni Joshua. Isa pang tukmol tong si Kevin dinugtungan pa tong isa pang tukmol. Hindi man lang makaramdam. Eh sa hitsura ni Abcd galing pa sa pag iyak dahil sa namumugtong mata nito.






Ako tuloy nahihiya kay Abcd hindi man lang to makaramdam mga kasama ko.






Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung ako nasa posisyon ni Abcd. Mahirap lalo na nakikita mong yung gusto mo may kasama ng iba. Halata naman sa kanya na gustong gusto nya si Xander.






"Ano ba kayo isipin nyo nga muna mga sasabihin nyo bago kayo magsalit" bulyaw ko sa kanila ng makaalis si Abcd.







"Pasenaya na nadala lang ako" paliwanag ni Joshua at humawak pa sa dib dib nya. Loko loko talaga.






"Bigla na lang nawala si Abcd kagabi sa party. Nagulat nga ako na nandon sya. Kaibigan nya pala yung kapatid ni Bianca" paliwanag ni Joshua.







Nandoon kami sa party dahil inimbitahan kami ni Bianca na pumunta. Lahat nga kami nagulat ng nakita namin si Abcd na papasok. Sobrang ganda nya non sya na yata ang pinakamagandang babae sa lahat ng babae kagabi.






Napansin namin na kasama nya si Nico na kapatid ni Bianca. Sya pala yung kapatid na sinasabi ni Bianca. Kaya pala mainit ang dugo ni Xander sa kanya dahil mukhang pinopormahan nya si Abcd.







Napakamalas naman nya kung ganon. Baka mapalipat kaagad sya ng school.







Nasa may right side kami at nasa dulo. Ayaw kasi namin talaga pumunta kung hindi lang dahil sa kasama sa misyon ito. Kaya napilitan na kami.







Ng magsimula ng magsalita ang MC. Winelcome nya ang mga guest at sunod ay ang speech ng birthday celebrant. After non ay ang pag welcome kay Bianca at ang hindi namin inaasahan ay ang pag announce nya ng ENGAGEMENT nila ni Xander.







Akala namin mag eescort lang si Xander sa kanya. But WTF engagement?? Bigla naman hinagilap namin ng tingin si Abcd. Nakita namin sya na mukhang naluluha na at bigla itong tumakbo papalayo. Susundan na sana namin sya ng makita namin na tumatakbo na rin si Nico para habulin si Abcd kaya hinayaan na lamang nain sy.







Tumingin ako kay Xander pero wala ni isang ekspresyon ang mababakas sa mukha nya. Ni pag ngiti o pagkunot ng noo ay wala.





Sigurado kaming nagkatinginan sila ni Abcd pero bakit ganon sya. Hindi namin maintindihan kung bakit ganon ang inaasta ni Xander.







Alam naming lahat kung ano ang nararamdaman ni Xander kay Abcd dahil kami mismo ang witness non. Ibang iba si Xander kapag kasama nya si Abcd pero ano to?







"Xander anong plinaplano mo?" Sambit ko sa utak ko.






Bigla syang bumalik sa dating Xander na sobrang cold. Nagtataka man kami sa kinikilos nya ay wala na kami magawa.






"Kung ano man ang ginagawa ni Xander ngayon alam natin na hindi nya gagawin ito kung walang mabigat na dahilan" sambit ni Ken.

Maid Of The Soon To Be Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon