Part 47 (Uncontrol Anger)

3.1K 66 0
                                    





Kinabukasan





Back to my old self. Walang ekspresyon na mababakas sa mukha ko. Hindi ako kumaen at nagdiretso na sa school. Maaga akong pumasok at doon sa hideout ako dumiretso. Nagbukas ng beer at uminom ulit.




Sobrang lasing ko kagabe at muntik pa akong mabangga ng may makasalubong akong truck buti na lang at nailiko ko kaagad ang manibela.


Tumama sa may poste ang kotse ko. Hindi masyadong nasira ito at nagkaroon lang ako ng sugat sa may ulo. Naisip kong sana natuluyan na lang ako para hindi na ako nasasaktan ng ganito dahil nakakabaliw ang nararamdaman ko.






"Wow himala napaka aga mo naman pumasok" pang aasar ni Kevin sakin ng makarating sila sa hideout.




"At napaka agang maglasing" dagdag ni Joshua.



"What happened to that?" Tanong ni Vince at tumuro sa ulo ko na may bandage.



"A little scratch" maiksing sagot ko.




"Prinoproblema mo ba yung kagabi? Ano bang palabas yun? Whats wrong with that Bianca? And nagkita ba kayo ni Abcd?" Tanong ni Calvin sakin.





Napakadami nyang tanong hindi na lang ako umimik ayokong maalala yun dahil nababadtrip na naman ako.





"Nakita nga pala namin si Abcd kanina nakausap mo na ba sya? Mukhang hindi kase yung mata ni Abvd halatang napiyat sa kakaiyak eh" Paliwanag ni Kevin habang nagtingin ng pagkain sa ref.





"Wala naman akong dapat sabihin sa kanya at wala akong pakialam" seryosong sagot ko sa kanila.




Nagkatinginan naman sila at tumingin sa akin.





"Tell us wha...... "




"Im going" hindi ko na pinatapos si Joshua at lumabas na ako.





Hindi sana ako papasok sa lahat ng subject ko pero kailangan dahil kung ano ano ang ipagtatatanong sakin ng mga kaibigan ko kaya naisipan ko na lang na pumasok.




After ng klase ay inaantay ako ni Bianca sa labas ng room. Hindi ba sya nahihiya na sya pa talaga ang nag iintay sa lalaki.






Nilampasan ko lang sya ng makalabas ako pero humabol ito at kumapit pa sa kamay ko. Tinanggal ko naman ito pero binabalik nya. Dumiretso na lang ako sa canteen at hinayaan sya.





"Babe what happened to you kagabi bigla ka na naman nawala" tanong nito at nagpapacute pa.





Hindi ko sya inimikan dahil wala ako sa mood magsalita. Medyo nakakaramdam din ako ng konting hilo.





Biglang tumigil lahat ng tao sa canteen at nagbulungan ng makapasok kame.






"BABE dun tayo sa mga friends mo " nagpahila na lang ako kay Bianca.






"Babe Im hungry get me some food" maarteng sambit ni Bianca.






Kaninang kanina pa akong naiinis sa babaeng to kung hindi ko lang sya kailangan kanina pa to bumulagta sa harapan ko. Sasagot na sana ako kay Bianca na kumuha sya mag isa kung nagugutom sya pero nagbago agad timpla ko ....






Napatingin ako sa gawi ni Abcd at ng bestfriend nya ng umupo sa tabi ni Abcd si Nico. Ang isa pang bwisit magkapatid nga sila bwisit sa buhay ko.








"Okay babe wait" nabigla rin ako sa sinabi ko pero bahala na.





Alam ko kung anong hitsura ng mga kaibigan ko ngayon. Sobra silang nagulat sa ginawa ko pati na rin si Bianca pero tuwang tuwa naman sya sa sinabi ko.





Ng makita ko kasing paalis si Nico para bumili ng tubig ni Abcd ay naisip kong bumili na rin.






May dalang tray si Nico ng pagkain nya at water ni Abcd kaya naman nakaisip ako ng masamang plano. Nagpretend ako na nabunggo ko sya.






"Minsan kasi tatagan mo lalamya lamya ka. Nasagi lang kita mukhang matutumba ka na kaagad" pang aasar ko sa kanya.






"Nanadya ka ba?" Galit nyang tanong.






"It was an accident" pag maang maangan ko dito.






"We both know na hindi naman" sagot nito.







"What if thats the case?" At nagsmirk pa para maasar sya lalo.






Mukhang nakukuha na namin ang atensyon ng mga nasa canteen. Wala namang gustong umaawat samin kaya tuloy lang.







"May probema ka ba sakin?" Mas lalo syang nagalit.







"Oo meron nga" sagot ko.







"Wala akong ginagawa sayo at wala naman akong pakialam sayo kaya paanong may problema ka sakin?" Tanong nya na kulang na lang murahin ako.






"Your existence. I dont want you here at this school and I dont want you to be with my girl" nagagalit na sagot ko sa tanong nya.






"Pati ba naman ako na kapatid pagseselosan mo?" Sagot nya na natatawa tawa pero maya maya ay naglaho din ito dahil mukhang nagets na nya ang sinabi ko dahil nag iba kaagad ang ekspresyon ng mukha nya.







"HAHAHA" malakas na tawa nya kaya nainis ako.





"My Girl really? She's not yours at wag mo ng isipin na magiging sayo sya" sagot nya kaya sa galit ko ay kaagad ko syang sinuntok sa mukha.





"Babe stop it" saway ni Bianca pero tuoy lang ako sa pagsuntok.



Hindi sya lumalaban kaya mas lalo pa akong nagalit. Mas nilakasan ko pa ang mga suntok ko kaya naman lumapit na sakin ang mga kaibigan ko para pigilan ako.






"Xander tama na" awat ni Ken sakin. Nakita ko naman na puno na ng dugo ang mukha ni Nico kaya napatigil na rin ako.







Ng makatayo na ako ay akma na akong aalis ng magsalita si Nico.







"Do you think babalik pa sya sayo? Minsan na syang napunta sayo but I will make sure na hindi na mangyayari yon. Malas mo dahil pinakawalan mo pa sya amd Im thankful for that" tuluyan na akong umalis dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mapatay ko lang sya.







End of flashback

Maid Of The Soon To Be Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon