------dedicated sa lahat ng bumasa at babasa nito--------
DR's Note:
First of all po, hindi akin yung book cover credits po sa owner at kahit one shot po ito plagiarism is a crime kaya bitch, back off.
"Moving on takes time"
Message sent!
Sent to Tom Montalba!
Seen 8:42 pm
Typing........
"Tsk. Yun na nga Bhe eh, salamat ah,"
"Okey lang yan Bhe, just accept the things and move forward 😊"
**Log out**
Ilang besis ko na bang sinasabi yan kay Tom? Araw-araw na ata eh. Naglolog-in lang ako ng facebook tuwing gabi dahil sa kanya, aaminin ko crush ko sya pero hindi niya alam.
At kung nagtataka kayo kung bakit 'Bhe' tawagan namin sa isa't-isa..well, we're close at facebook--on social media--pero hindi sa personal.
Kabre-break lang nila ng Bestfriend kung si Kella, two weeks ago na. But still he can't move on. Na-aawa din ako sa kanya, tuwing nasa school kami ay palagi ko siya nakikitang tinitignan si Kella habang kasama ang boyfriend nyang si Jonas isang sikat na varsity player samin.
**Log in**
"Bhe, ano na? naka-move on kana ba?"
Message sent!
Sent to Tom Montalba
Seen 9:00 pm
Typing.....
"Uy Tom! Okey ka lang ba?"
Seen 9:45 pm
Typing........
"Tulog nako Bhe, goodnight"--smile emoticon
Message sent!
**Log out**
Kinabukasan ay tinungo ko na ang school namin, naglalakad ako habang naka-payong, grabe ang init naman kahit quarter to 6am palang.
Habang naglalakad ako ay may huminto na motorbike sa harapan ko, tinignan ko ang modelo ng motor at napayuko. Alam ko kung sinong may-ari nyan eh, siya lang naman ang may ganyang motor sa school.
Tinanggal nito ang helmet nya at bumaba, lumapit ito sakin at para bang nagslow mo ang lahat ng napapalibot samin. Diba sa movie lang to' nangyayari? Bakit parang ang imposible nnaman ng eksenang to'? napa-angat ako ng tingin
Ngumit ito sakin at nag-salita
"Ahm...Rayle...sabay kana sakin?" medyo nag-aalangan pa nitong sabi sakin' i just smile at him.
"Pwede ba?" Kunwari ay tanong ko pero sa huli ay sumakay nadin ako, medyo malayo-layo din kasi ang school tska mala-late na ata ako.
Pinasuot nito sakin ang extra helmet nya, napangiti ako ng mapait.
"Siguro para kay Kella to noh?" Sabi ko habang nakayakap sa likod nya, it felt safe somehow.
He lay his eyes on the side mirror making me look at him there, he smiled at me, and i smiled back.
"Hindi para sa kanya yan Bhe"
And my heart skipped a beat! Omygod! First time niya na tawagin akong 'Bhe' in person.
He's intently looking at me at the side mirror, ewan ko ba bakit ang gaan-gaan ng loob ko imbes na matakot ako dahil hindi siya nakatingin sa daan bagkus ay mas hinigpitan ko pa lalo ang pagyakap sa kanya.
"Eh para kay sino?"
Hininto nito ang motor niya at ipinark sa gilid ng daan.
"Pa-para sayo"
Hindi na ito nakatingin sakin pero nakikita ko sa side mirror na nakangiti ito habang nakayuko.
"Sakin?"
"O-Oo para sayo"
Bumaba ito sa motor niya at tinignan ako sa mata,naka-sandal ang dalawang kamay nito sa ding-ding ng eskenita. Malalim ang bugtong hininga nito at saka lumapit sakin.
Halos mabingi ako sa pintig ng puso ko. Shyt! Ang bilis ng tibok! Oh, no.
"Rayle, sino crush mo?"
Napalunok ako
"Ahehehe secret" tapos nag-peace sign pa ako, hindi nya pwedeng malaman na siya yun no' baka hindi na ako pansinin nito. Hindi nga kami close sa personal, i-snoban niya pa ako sa social media?! God, di ko po kaya.
"Ang cute mo" sa sinabi niyang yun ay agad na pinamulahan ako ng pisngi. Owah! Bakit ba siya ganito ngayon? Bumabawi ba siya sa panse-seen sakin kagabi?
"Matagal na" i joked tapos tumawa ng wagas just trying to hide away what I feel for him
"Seryoso ako"
At dahil dun ay natigilan ako sa pagtawa, seryoso itong nakatingin sakin' habang hindi manlang gumagalaw.
"Ahmmm.. Tom, mala-late na tayo"
Ipinakita ko sa kanya ang wrist watch ko, Oh god, ang awkward nito! Hindi manlang siya nagsalita at ni bahala sa mukha niya ay di naipinta.
"Sagutin mo muna ako....."
"A-ano ba yun?"
"Rayle, sino crush mo?"
"Kapag ba sinagot ko yan, friends parin tayo. Walang magbabago?"
Ngumiti ito sakin
Shyte! Ang gwapo niya talaga!
"I-ikaw...Ikaw Tom, Ikaw yung crush ko"
Mabilis akong hinigit ni Tom papalapit sa kanya at niyakap, tumingala ako dito at nakita kung ngumiti ito sakin. He lick he's lips and press it into mine. Shyeemss! He kissed me!
"Panu ba yan eh, mahal na kita Bhe ko?"
Napangiti ako
"Tommy.....mahal nadin kita"
*RINGGGGG***
Tunog ng nakababasag tenga na alarm clock ko, tinignan ko ang sarili ko:naka-pajama ako at mukhang dito na ako nakatulog sa computer desk ko kagabi.
"Panaginip lang pala"
bulong ko at napailing nalang..
END.
DR's Note: Salamat sa pagbabasa! Hanggang sa muli----'smile emoticon'