Chapter 36

23 1 0
                                    

KEIRA'S POINT OF VIEW:

Nandito parin kami sa parang janitors room. May kausap si Clif pero in fairness gwapo siya! Hihihi! Pero Clif! Please! Alis na tayo dito!
Nakakakatakot parin kasi kahit sabihin pa natin na kasama ko si clif, lalo na at may tinali pa dito yung si gwapong kuya dito ng kung sino man na nilalang yun.

kinalabit ko si clif ng tatlong beses at tumingin naman siya agad.

Magsasalita palang sana ako kaso may parang baglaang dumaan sa harap ng pinto.

"Huy?! Bakit mo ko kinalabit?!"

Bigla akong nagulat sa nagsalitang clif na 'to.

"Oh!!!" Sambit ko ng mahina.

"Kanina pa kita tinatawag!"

Eh? Kanina pa pala niya ako tinatawag?

"Nakatingin kalang kasi dyan eh! Sino ba tinitignan mo ha?"

"Ah! Ah ano kasi.."

"Ano?!"

Nanatili lang akong nakatitig sa labas ng pintuan dahil sa kaba na baka mamaya biglang buksan ang pinto.

"Alam niyo mabuti pa na umalis na tayo ngayon dito." Sulpot ng kasama namin.

"Sige." Sambit ni clif.

"TEKA!" Sabi ko sabay Pagharang kay clif at sa kasama niya.

"Bakit?!"

"Mamaya na clif."

"Tara na! Delikado!"

Binuksan na niya agad yung pinto pagkatapos niyang sabihin yun. Nung palabas palang siya hinila ko na siya agad pabalik at sabay sara ng pinto.

"Ano ba problema?!"

"May nakita kasi akong dumaan dyan kanina, baka mamaya na-"

"Baka mamaya nandyan?"

"Opo..."

Ginulo niya ang buhok ko sabay kuha niya ng phone niya.

"Hello? Ford? Nandito kami malapit sa may janitor's room malapit sa rooftop. Magpapunta ka dito ng mga kasama natin naduduwag kasi si keira dito."

Nakatingin lang ako sakanya at hindi na umimik pa. Kinakabahan na kasi ako baka mamaya hinihintay lang kami ng kung sino man yun na lumabas dito.

"Salamat." Pagpapaalam niya sa kausap niya.

"Dadating na sila, maghintay muna tayo dito."

******

Ford's Point Of View:

"Bilisan natin baka mamaya makita sila ni thunder dun." Sabi ko sa mga kasama ko.

Papunta kasi kami sa may 7th floor.  Napaka kasi ni clif.  Kala mo kung sinong matapang para pumunta dun, duwag naman. 

***

Nandito na kami sa 7th floor.  Nakasandal lang ako dito sa pader habang nagmamasid, panigurado kasing naglilibotlibot yung mga ugok na yun.

"Bro,  asan yung pinto ng janitors room dito?" Biglang tanong sakin ni red.

"Nasa harap mo. "

Kakatok palang sana siya kaso biglang nagbukas yung pinto kaya natamaan mukha niya. 

Maglalakad na sana ako nung nakita kong lumabas si clif kaso napatigil ako bigla ng makita kong kasama nila ni keira si ethan?

Papalapit sa kinarorooanan ko si clif na nakasunod naman ang dalawa sa likod niya.

Tinanguan ko lang si clif na para bang tinutukoy kung bakit kasama nila si ethan.

"Mamaya na ako magpapaliwanag," Biglang sabi ni clif saakin at sabay lakad paalis sa lugar na ito.

"Itong duwag na 'to nagsama pa ng mas duwag sakanya."

"Huy ford! Sino kausap mo dyan?!" Biglang sigaw ng zeke na pa-palapit sakin.

"Wala! Tara na nga!"

"Mauna kana bro, mag iikot pa kami."

"Sige mag ingat kayo."

Agad agaran akong naglakad kung saan patungo sila clif, pero medyo malayo ako sakanila.

Ano  na nanaman kaya ang naisip ng ethan na 'to? Subukan niya lang manggulo, kamao ng mga tunay na gwapo ang matitikman niya.

*****

Xander's Point of View:

"Matulog kanaaaa!!!!!" Sigaw ko sa batang ayaw pa matulog.

"AYAW KO NGAAAAA!!!!!"

"Kailangan paba kitang kargahin para makatulog ka ha!?"

"Mmmm.. pwede rin."

Lumapit ako sa kama niya para buhatin siya pero binatukan niya ako.

"Bakit mo ako binatukan!?" Reklamo ko sakanya.

"Ano ako bata para kargahin!?"

"Eh bakit?!"

"Eh bakit din!"

Nung pagkasabi niya nun biglang siyang humiga ng maayos sa kama niya at tumalikod sabay taklob ng kumot.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa batang 'to este sa Master kong 'to o maiinis eh!

"Pusaaaaaaaa!" Sigaw niya habang dahan dahan inaalis ang pagkataklob niya.

"Bakit poooo!?"

"Tabi tayo hihi!"

"Hindi pwede."

"Bakit hindi pwede!?"

"Hindi pa tayo kasal,"

"Paano tayo ikakasal nanligaw kana ba ha!?"

"Edi mas lalong hindi pwede."

Matutuwa ba ako sa sinasabi neto o maiinis?

"Arte naman neto! Dali na kasiiiii!!!"

"Matutulog ka o hindi?" Pagiiba ko ng usapan.

"Mm... Hindi!"

Sinamaan ko lang siya ng tingin habang siya nakangisi pa rin.

"Tabi muna tayo para makatulog ako."

"Matulog kana muna dyan pagiisipan ko lang kung tatabi ako sayo,"

"ABA BUANG KA RIN EH NOH!"

"HAHAAHAHHAHAHAHA!!!!!!!!"

"Sige tawanan mo pa ako!!"

"HAAHHAAHAHHAAHAAHHAAHAHAHAAHA!!!!!!"

"BAHALA KA NGA DYAN! HINDI NA KITA KAKAUSAPIN!"

Bigla akong napatigil sa pagtawa ko dahil sa sinabi niyang yun.

"Aanaman! Bakit!?"

.

.

.

"Master?"

.

.

.

"Kausapin mo na ko master!"
.

.

.

"Master? Master!?"

.
.
.
.

"Ipashem?"

.
.
.
.

"Hindi nga talaga niya ako papasinin,"

.
.
.
.
.

"Master? Masteeerrrr!?"

Ms. Suplada Meets the Seven BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon