Omg! Can this be love?! Omg! Excited na ko. Abangan na natin ang mga kilig moments ng ating mga bida. Finally!!
----------Kinabukasan..
Jasmine's POV
Maaga gumising si Jas para maghanda ng almusal nila bago pumasok sa kani-kanilang trabaho. Pag gising niya ay humiga siya ng patagilid para pagmasdan si Kevin na natutulog. Nasasanay na lang din siya siguro na pagmasdan ito dahil matagal din niyang pinigilan ang sarili na gawin ito. Napangiti siya bago tuluyang bumangon sa kama.
Dati sa bahay nila ay nagigising na lang siya na may pagkain na sa lamesa, iniisip nga niya noon kung bakit hindi napapagod yung Mama niya na pagsilbihan sila, ngayong na siya naman ang bumabangon para sa asawa ay alam na niya ang sagot, hindi ka pala talaga magsasawa pagsilbihan ang mga mahal mo sa buhay. Nagluto siya ng mga pancakes, naghiwa nga mga prutas at inilabas ang fresh milk mula sa ref. Pinainit din niya ang tubig baka sakali kasi na mas gusto ni Kevin ang mag kape.
Pagkatapos naman noon ay nagluto siya ng fried chicken, gusto sana niya na menudo kaso matrabaho iyon at mauubos ang oras niya, gusto din niya na may sabaw tulad ng nilaga kaso naisip niya na hindi naman ito pwede ibaon, ng luto na din ang kanin ay kinuha niya ang isang baunan, nilagyan niya ng fried chicken, rice at sachet ng ketchup dahil mahilig sa ketchup si Kevin naisip niya kasi na pabaunan ng lunch ang asawa. Baka kasi sa sobrang busy nito sa trabaho ay hindi na nakakakain. Nakangiti pa siya habang inilalagay ito sa lunch bag.
Good morning jas. Kev
Si Kev na bagong gising ay binabati siya ng "Good morning" nakangiti ito, ang aga aga ay idinadaan na kaagad siya sa killer smile nito.
Good morning din. Sabay ngiti niya. Halika na kain na tayo ng breakfast. Alok pa niya dito.
Wow ang sarap naman nito. Puri ni Kevin habang papalapit sa lamesa.
Sempre ako ang nagluto eh. Pagmamalaking sabi ni Jas
Nasa byahe na sila papuntang clinic.Susunduin kita uli mmayang uwian ah? Kev
Hmm. Nagyaya pala si Alyssa kagabi, kumain daw kami sa labas after ng duty ko. Okay lang ba? Pagpapaalam ni Jas
Oo naman, si alyssa naman yon, wag lang kayo masyado magpagabi ah? Kev
Okay. Gusto mo ba sumama? Pag aaya ni Jas.
Nako hindi na, alam ko naman na bonding niyo iyong dalawa, labas na lang tayo uli kasama na si Anton. Pagtanggi naman nito.
Okay. Ngiting sagot ni Jas
Malapit na sila sa clinic ng may biglang tumawag kay Kevin.
Okay.
I see.
Yes, im with her.
Bye. Sabi ni Kevin sa kausap sa telepono.
Gusto niyang itanong kung sino yun kaso nahihiya siya.
Ah si Rina, tumawag. Sabi naman ni Kevin ng kahit hindi niya itanong
Ah okay. Matipid na sagot ni Jas
Sabi niya nasa pinas na daw siya, gusto ka daw niya makilala. Sabi ni Kevin
Ay, welcome back sa pinas! Ako din, gusto ko din siya makilala. Sagot naman ni Jas habang lihim na itinirik yung mata.
Ayaw naman niya makita ito, at lalong ayaw niya na makausap pa ito, dahil sa kanya inatake ng asthma si Kevin! (Hindi ba parang kasalanan din niya? Lol) Nakakainis na babae! Pero bakit ba siya maiinis, wala naman itong magagawa dahil alam niya na mahal siya ni Kevin saka asawa na niya ito ngayon. Wala ng palag si Rina na yun.
BINABASA MO ANG
Dear Husband, I Hate You 1.0 [FINISHED]
Romance"Kung hindi ka pumayag sa gusto nila hindi ito mangyayari Kevin! Iniisip mo lang sarili mo, papano naman ako? Hindi kita kayang mahalin at naiisip ko pa lang na buong buhay tayo magkakasama nandidiri na ako! I hate you so much!! Yeah, i guess i neve...