Guys short story lang ito pero hindi ko gagawing one shot kasi parang ang haba hahaha! I'll make updates as soon as possible. Hindi ito yung kind of books na mahahaba at madaming chapters. Hindi kasi ako pangmahabaang libro talaga. But yeah hope you like it. ^-^
_________________________________________"Katie you can't be together. I'm sorry. Napamahal kana sa lahat dito. But we don't want to ruin everything just because of you. I told you many times but you don't listen." napahawak siya sa kanyang ulo at pumikit na para bang stress na stress na. I let a loud sigh. I knew it. This is going to happen.
"I don't want to do this but I don't have a choice. And you know what I'm talking about, you know, Katie. Please just leave." ineexpect ko na na sabihin yun ni President.
"Please leave this country as soon as possible and don't let anyone know about this." nagmadali siyang kumuha ng pera. Sweldo ko at... airplane ticket. Tumingin siya sakin ng makahulugan.
"Even the boys.." nagulat ako sa sinabi niya. Hindi naman ata pwede yun.
"Sir naiintindihan ko po. Pero please just this one. I'll let them know the reason. Pero hindi po ngayon kasi alam kong di sila papayag. Maybe tomorrow. O-or later. I'll make sure to leave na hindi pa po nila alam" matapang kong sinabi kahit sinasaksak na ko sa loob.
Pero kahit ganito ang nangyayari . Hindi ako nagsisising nakapasok ako dito at nakilala sila.
Flashback
"So you'll be the makeup artist of this group. They're called DUST." pormal niyang sinabi.
Ano daw? Dust? As in dumi?
"Sir, DUST po?" naguguluhang tanong ko.
Napatawa siya sa sinabi ko na para bang ineexpect niyang ganun ang sasabihin ko.
"Yup. Don't worry hindi sila dumi. Lima silang lahat. At nasabi nanaman siguro sayo na kailangan din nila ng kasama sa bahay hindi ba?" tanong niya
"Uhm. Opo sir, sinabi na din po sakin yan ni President. Payag naman po ako kasi libre ang bahay, pagkain at pamasahe." natutuwa sinabi ko. Ipinaliwanag niya pa sakin ang ibang details about sa trabaho ko.
"Sir may tanong lang po ako."
"Sure. Wag lang math." napatawa ako sa sinabi niya.
"Bakit po Filipino tong mga lalaking to? At napansin ko din pong Filipino ka. Hindi po ba dapat sa Pilipinas yung career nila at trabaho niyo.?
"Actually it's a long story. Pero kami ay naghahanap talaga ng Filipino na makakatrabaho namin, tulong narin since same nationality din. At yung mga lalaking yun ay sikat na magtotropa dito kaya naisipan namin na gawin silang idol. Happens na filipino sila lahat at galing din ng Pilipinas. Sikat sila sa pagkanta kaya nakumbinsi kaming bigyan sila ng career dito sa New York. Magaling naman sila magenglish so no worries." napa ahh nalang ako sa sinabi ni Manager. Kaya pala.
"So I'll get going now. May meeting pa kasi ako. Thank you, Miss Katie. I'm looking forward to work with you." inalok niya ang kanyang kamay kaya naman inabot ko yun. Umalis na ang manager ng DUST daw at naiwan ako dun.
Napabuga nalang ako ng hininga. What was I thinking? Titira ko sa bahay ng mga lalaking hindi ko kilala. Di naman siguro yun gagawa ng masama sakin diba? Kasi sikat sila at alam nilang magiging scandal yun.
Aish. Bahala na. Kailangan ko talaga ng pera ngayon. Nakita ko lang na may nakapost na tarpaulin sa harap ng ripro building na kailangan daw nila ng makeup artist. Since kaya ko naman magmakeup ng lalaki at babae. Pinasok ko na to. Kahit na hindi ako fit dito. HRM kasi ang kinuha kong course nung college at ang pagmamakeup ay naging hobby ko lang.
BINABASA MO ANG
The Idol's Makeup Artist
Short StoryWhat can be the life of the idol's make up artist?