Ama

79 1 3
                                    

Ano ba kahulugan ng salitang ama?

Siya ba ang iyong kayang ibigay ang luho mo o laging nariyan

kapag may problema ka?

Si papa ang tipo ng taong hindi mo gugustuhin biruin pero kapag mga apo niya nawawala ang pagiging istrikto niya.

Bihira magsalita pero pag nagbigay ng batas dapat sundin mo,

Liberal ang isip niya hindi makitid mas madali mo makakausap pag may lakas ka ng loob,

Lumaki akong may tampo sa kanya halos 8 taon hindi ko siya nakasama pero binigay niya ang bawat hilingin ko kapag kaya.

May paraan kami ni papa magbonding pagkakarpentero,pag-aayos ng sasakyan ako nga daw ang anak na lalaki na nag anyong babae,

Mahal ko si papa at pinararamdam ko iyon hangga't may pagkakataon.

Kahit ano pa o sino pa ang maging tatay mo mahalin at pahalagahan pwera na lang kung

may ginawa silang hindi karespe-respeto sa pagkatao mo.

Masaya ako naging anak niya ko kahit hindi nakatapos nagawa

niya mapagtapos ang mga kapatid ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon