SIXTEEN, TWENTY-FOUR
//CHAPTER 3//
2006, Summer—Cavite
I hate summer.
The same summer day… the same heat… the same feeling.
Today is the day.
“Jelly, gising ka na ba? Kain na.” Jam.
Napabangon ako ng higaan at bahagyang napangiti.
You did it, Jelly. Today’s the second year.
The second year since you became alone. But you did it. See, you can do it.
“Oo, papunta na.”
Lumabas ako ng kwarto ko at sumalubong sakin ang amoy ng fried rice na niluluto ni Jam. Napangiti ako.
Umupo ako sa lamesa sa kusina at tinitigan ang naka-apron na si Jam.
“Himala, ngayon mo lang ulit ako pinagluto ah.”
After two years, pinagluto niya ulit ako.
Tinignan niya ako nginitian, “Today’s a special day, right?”
Special?
More like… precious. Today’s a precious day.
“Oh kain na.” Naghain si Jam ng hotdogs, bacon, at itlog kasama ang ilang piraso ng tinapay at yung mainit pa na special fried rice niya.
Yan ang pinaka-paborito kong luto niya, yung sinangag. Siya lang ang kilala kong lalaki na nakapagluluto ng ganyang kalasa na sinangag.
Masaya akong kumuha ng kutsara at tinidor at kumuha agad ng tig-iisa sa nakahain. Tapos isang-damakmak na sinangag.
Umupo si Jam sa upuan sa unuhan ko at kumuha ng plato.
Tinignan ko siya ng masaya.
“Hep hep! Anong ginagawa mo? Ako lang ang kakain.”
Nilakihan niya ako ng mata, “Aish! Buwaya ka talaga!”
“Bleh!” Tinawanan ko siya at dinilaan.
Nakakatawa talaga si Jam. Sa bahay ko lang siya nakikitang nawawalan ng composure. Sa school kasi, his face never changes.
Siguro inis na inis na sakin tong si Jam sa loob-loob niya.
I always bully him. Hehe.
“Nga pala, Jam. Si Kuya Jiro?”
“Mamayang alas-tres pa naman tayo pupunta sa sementeryo, diba? Hahabol na lang daw siya. May tinatapos ata na project eh.”
“Eh sila Tita?” Tanong ko habang sunod-sunod ang subo ng hotdog sa bibig ko.
“Tinatanong pa ba yan? Malamang, andon na sila sa sementeryo.”
Napatawa naman ako.
Lagi silang nauuna sakin.
Kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanila. Sila kasi ang pangalawa kong pamilya.
Pagkatapos kong kumain, pumasok agad ako ng kwarto ko at naligo.
Nag-ayos ako ng susuotin.
I feel nostalgic.
So it has been two years already…
Don’t worry, Mama & Papa…
I didn’t feel like I was alone. I have Jam, Kuya Jiro, Tito and Tita. They helped me so much.
BINABASA MO ANG
SIXTEEN, TWENTY-FOUR
Fiksi Remaja[MONTHLY-UPDATE] "I was sixteen when I realized my feelings... I was twenty-four when I met her again." - Jam Mendoza.