Mr. & Ms. Pick Up [JhaBea OneShot]
"Ms. Pick up's POV"
Hello people of the Philippines, I'm Beanca Marie Landero-Binene, isang certified party pipz and eatingholic. Bilang patunay na ako ay party pipz ay nandito ako sa birthday party ng aking friend na si Derrick Monasterio. Nakaupo lang ako ngayon sa upuan kasama si Derrick at isang lalaking di ko kakilala.
"By the way Bea, friend ko nga pala." sabi ni Derrick sabay turo sa lalaking kasama namin. Nagsmile ako sa kanya at ganun rin siya.
"Nakalunok ka ba ng kwitis?" seryosong tanong ng lalaki at nakatingin sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Ha? Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Pagngumiti ka kasi may spark eh." sagot niya naman. Tsk. kung makapangbola tong lalaking to kala niya close kami.
"Iwanan ko muna kayo guys ha." sabi ni Derrick at tumayo na. Naiwan ako kasama si Mr. Pick up, hindi ko kasi siya kilala.
"Dugo ka ba?" hirit niya ulit.
"Bakit na naman?" tanong ko at tinaasan ko na naman siya ng kilay. Pwede muna ba siyang magpakilala?
"Kasi ikaw tinitibok nitong puso ko." sabi niya sabay form ng heart gamit ang kamay niya at nilapit ito sa puso niya, at nagwink pa siya. Okay, I'll accept kinilig ako.
"Alam mo di na ako mahulog pa sayo!!" sabi ko na sa kanya. Feel ko na kasing sakyan ang kabaduyan niya. Kala niya siguro siya lang marunong mambola.
"Ha? Bakit naman?" nagtataka niyang tanong.
"Eh kasi, lumulutang ako pagkasama kita eh." napangiti naman siya sa sinabi ko.
"Alam mo musician ako." share.com na naman niya. Ngumiti lang ako sa kanya. "Alam mo para kang gitara ko."
"Bakit naman?" tanong ko uli sa kanya.
"Eh kasi, I can't last a day without you." nagtawanan kaming dalawa pagkasabi niya nun. "I'm Jhake Angelo Vargas." sabay lahad ng kamay niya.
"Beanca Marie Binene." sabi ko at tinanggap ang kamay niya.
"Alam mo, baka di ka na makauwi sa inyo." sabi niya na naman. Nagsisimula na rin ang party, at si Derrick ay nasa stage na.
"Bakit?"
"Kasi nasa isip na kita eh." sabi niya sabay turo sa ulo niya. Napangiti naman ako dun. Natahimik na muna kaming dalawa dahil sa kakanta na ng happy birthday song para kay Derrick.
Pagkatapos ng kantahan ay pinakain na muna kami. Kumuha ako ng pagkain sa buffet table at ganun rin si Jhake, kaya nagsabay na lang kami. Bumalik rin naman kami agad sa mesa at nagsimula ng kumain.
BINABASA MO ANG
Mr. & Ms. Pick Up [JhaBea OneShot]
FanficOne Shot Pick up love story of Mr. & Ms. Pick up............... Kaya mo kayang paibigin ang isang tao gamit ang iyong Pick up Lines??? This is a JhaBea one shot Pick up story.....