Kung Alam Mo Lang

52 0 0
                                    

 ~Ang mga kwento, tauhan at pangyayari sa bawat kuwento ay kathang-isip lamang ng may-akda~

“Gwapo sya ah? Di mo talaga siya gusto, Janice? Nagpapahiwatig na siya na gusto ka nya diba? Eh ano naman sa babaeng niyang si Ciara? Ni hindi nga sila naguusap eh. Hindi naman sila nagsasama. Ano pang silbi na sinasabing nanliligaw si Paul sa kanya kung sayo naman parating nakatuon ang kanyang atensyon.” Sabi sakin ng kaibigan ko kanina habang kami ay pauwi galing eskuwela.

Ano ba ang aking mapapala kung magugustuhan ko sya? Hindi naman dahil gusto ko ang kanyang boses at kumanta sya sa aking harapan ay mahuhulog na ang aking loob kay Paul. Hindi ko na rin naman gugustuhin na maulit ang nakaraan. Kay tagal kong naghintay ngunit nasaktan lamang ako. Sa tingin ko ganun din naman ang ugali niya, paasa at magpapaiyak lamang.” Pagpapaliwanag ko sa kanya.

At sa akin ngang pagkakaalam, nililigawan niya ang malapit kong kaibigan. Alam kong masasaktan siya kapag nalaman niyang lihim kong nagugustuhan si Paul. Ayokong masira pagkakaibigan namin. Naging malapit ako sa kanya simula nung ako’y tulungan niya sa proyekto namin sa Filipino. Mula noon ay naging tapat kami sa isa’t isa. Kaya’t hindi ko lubos na maisip kung paano na nga ba ang mangyayari sa pagkakaibigan namin ni Ciara kung magugustuhan ko si Paul?

Kung ikaw ba, sino pipiliin mo? Yung kaibigan mo? O yung sarili mong kasiyahan? Para sa akin yun mas pinili ko yung kaibigan ko. Kasi hindi yun kayang palitan eh. Di katulad NIYA, alam kong may dadating pa.

Bata pa naman ako eh. Walang mawawala kung pipigilan kong umibig. maraming pagkakataon na nakalaan. Pero sa ngayon, ayoko muna talaga. Pagod na ko umiyak. Pinagtataka ko, kahit ilang beses ako umiyak, hindi ako nawawalan ng luha. Sa bawat sakit ng paghihintay, katumbas ay walang tigil na agos ng mga luha.

Panibagong araw, panibagong haharaping problema.  Pag-gising ko ngayon ay ang bigat ng pakiramdam ko. Siguro ay dahil na rin sa usapan naming ng kaibigan ko kagabi. Hindi rin ako nakatulog ng maayos kakaisip kay Paul at Ciara.

“Hindi na bale, ngingiti lang ako at alam kong magiging okey rin ang lahat.”  Sabi ko sa sarili ko na sa ngayon ay nakaharap sa salamin. Handa na akong pumasok sa eskwela. Lalakad lang naman ako papunta eh. Malapit lang naman at hindi na kailangan sumakay pa.

            Ilang metro na lamang at narating ko na ang eskuwelahan na aking pianapasukan. Ilang buwan na lamang at magtatapos na ako sa hayskul. Hindi na ako makapaghintay na makatapak sa kolehiyo. Nais ko na lamang abalahin ang aking sarili para hindi ko na maalala ang pait ng aking nakaraan. 

Kagaya ng nakagawian, matapos ang unang tatlong asignatura ay lumalabas ako ng aming silid-aralan upang kumain. Magtatapos na rin naman ang klase kaya’t wla na masyadong ginagawa kung kaya’t minabuti ko munang magpahangin sa likod ng eskuwelahan namin. Doon ay may isang puno na maaaring pagsilungan.

Nais ko rin muna mapag-isa. Tila kay bigat na ng aking nararamdaman. Mabuti nang magpalipas oras. Hindi naman siguro ako mapapagalitan ng aking guro dahil maaga akong nakapagpasa ng mga requirements.

Muling nanumbalik sa isipan ko sina Paul at Ciara.

Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung sila na ba o kaya naman ay kamusta na ang panliligaw ni Paul sa kanya. Bumabagabag sa isip ko si Paul, marahil ay may gusto na nga ako sa kanya. Pano ba naman nung isang araw ay kumanta sa sa harapan ko. Sadya nga bang nahuhulog na ang loob ko sa kaibigan kong si Paul? O nadadala lamang ako ng boses at mga galaw niya?

"Psst! Bakit ka nandito, diba may klase ka ngayon Janice?" Napalingon ako sa tumawag sakin mula sa likuran. Si Paul.

“Ah... Eh... Kasi tinatamad akong pumasok. At saka...” Nauutal ako. Bigla nalang naubusan ako ng sasabihin ngayong nasa harapan ko si Paul.

Kung Alam Mo LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon