Chapter 22: Confession

38 1 0
                                    

Matapos ang concert hindi mawala sa isip ni Green kung anong ginagawa ni Gennie malapit sa dressing room alam kaya nitong si Happy lang ang nandoon anong binabalak nya. Magkikita pa tayo. Naalala nya bigla ang sinabing iyon ni Gennie.

”Ok ka lang?” tabong ni Happy sa kanya. “Kanina ko pa napapansin, may problema ba? Anong iniisip mo?” Sunod-sunod na tanong nito.

“Ahhh ano…ano lang wala naman. May naalala lang ako.” Sagot lamang niya. Lalapitan sana sya ni Happy nang biglang tunog ang cellphone nito.

Mama – Calling…

“Sagutin ko lang.” sabi nya kay Green, tango lamang ang isinagot ng binate saka ito pumunta sa may kusina.

“Hello Ma, napatawag ka?” – Happy

“Anak… anak…ano kasi…” – Mama Bless

“Ma, may problema ba Ma?” – Happy

“Tumawag…tumawag ang Tiya mo…ang Papa mo anak…ang Papa mo…” – Mama Bless

“Bakit Ma anong nangyari kay Papa, Ma!” – Happy

Nagulat si Green sa reaksyon ni Happy agad syang lumapit dito. Nabitiwan ni Happy ang cellphone matapos marinig ang sinabi ng Mama nya. “Malubha na ang Papa mo. Gusto ka nyang makita…gusto nya tayong Makita anak.” Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa mata ni Happy tila malulunod na sya sa sari-saring nararamdaman niya. Niyakap sya ni Green, agad niyang naintindihan ang sakit na nararamdaman nito. Umiiyak si Happy habang naghihintay si Green na maging ok ang dalaga. Pinagmamasdan lang niya ito at hihintay ang desisyon nito. Nakausap niya ang Mama ni Happy at nalaman niya ang nangyari. Pabalik balik sya ng paglalakad habang si Happy ay tuloy lang sa pag-iiyak.

“Anong gagawin Green. Pano ko sya haharapin, magagalit ba ako, masasaktan ba ako, kailangan bang mamiss ko sya?” tanong ni Happy sa binata.

“Just do what your heart wants.” Sagot lang ni Green dito.

“Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Ni hindi ko nga sya magawang patawarin. Ni hindi nya ako tinawagan, ni hindi nya ako pinuntahan. Anong dapat kong maramadaman?” sabi nito habang umiiyak pa rin.

“Gusto mo ba syang makita? Gusto mo ba syang makasama?” tanong ulit ni Green.

“Ano ang dapat kong maramdaman Green.” Hirap na syang magsalita kakaiyak.
“Gusto mo syang makita, gusto mo syang yakapin, gusto mo syang patawarin.” Yun lang ang nasabi ni Green tapos niyakap ulit sya. “Pupuntahan natin sya. Pupunta tayo…ok.” Nakangiting sabi ni Green.

“Handan na ba ako.” Sabi ni Happy habang nakayakap kay Green.

“I know you’re ready. I know hindi pa man sya humihingi ng tawad sayo…pinatawad mo na sya… ganon ka kabuting tao Happy.” Sabi ni Green. Nag-angat ng ulo si Happy at deritsong tumingin Green. Nakatingin lang sya sa mga mata nito habang si Green ay nakangiti sa kanya.

“Salamat Gre…” naputol ang sasabihin niya ng halikan ni Green ang mga labi niya. Nagulat sya sa ginawa nito. Hindi nya alam ang mararamdaman bakit ito ginagawa ni Green. Nagpailalim sya sa halik ni Green naipikit niya ang mga mata at saka hinawakan ni Green ang mga kamay nya iginiya iyon ng binata papunta sa batok niya, iniyakap nito ang mga kamay sa bewang nya. Pinagsaluhan nila ang isang halik na tila pinawi ang lahat ng sakit na naramdaman niya. Kumalas si Green sa halik na iyon nakatingin ito sa mga mata niya saka iginawad ang isang ngiti sa kanya.

“I’m always here Happy…I’m always am.” Isang halik sa noo saka niyakap sya ulit ng binata.

Nagpapahinga na si Happy mahimbing na itong natutulog, pinagmamasdan lamang ito ni Green. Tinawagan ni Green ang Mama ni Happy. At nagkasundo silang magkikita sa San Pablo City para sabay na silang bumiyahe papuntang Bicol. Kinansela nya ang buong linggong schedule nya, puro magazine cover at photoshoot lamang ang schedule niya. Nakita nya ang bigat ng sakit na nararamdaman ni Happy. Dama niya ang lubos na pagmamahal nito sa ama, alam nyang nagawa na nitong patawarin ang ama. At alam niyang kaya iyon ni Happy, bagay na hindi niya magawa sa sariling ama na walang ng ibang iniisip kundi ang trabaho, pera at kompanya.

Stuck With The Prince'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon