Prologue

10 0 0
                                    

Life is not easy. You need to run for you to survive.

Wala na akong pakialam, umiiyak ako, hindi ko na rin halos makita ang dinadaanan ko basta ang alam ko lang ay kailangan kong umalis sa lugar na ito. Wala na rin akong ibang naririnig kundi ang malakas na tibok ng dibdib ko at ang mabilis na tunog ng mga paa ko.

Sa ilalim ng mainit na sikat ng araw ito ay andito ako ngayon sa gitna ng damuhan, tumatakbo para sa aking buhay. Halos magkakalahating oras na rin akong tumatakbo pero hindi ko pa rin naaabot ang dulu ng damuhang ito,hanggat sa may narinig akong isang malakas na putok ng baril.

Napatigil ako sa pagtakbo at.......

Pagtingin ko sa may balikat ko ay mayroon ng tumutulong dugo. Paunti unting namanhid ang
aking buong katawan. Nanghihina na rin ako. May tama na kasi ng bala ang aking kaliwang balikat kaya napatil na ako sa pagtakbo ko at unti-unti nalang akong lumingon sa pinagmulan ng pumutok na baril.

Ngunit?.....

Tama ba itong nakikita ko, bakit sa lahat ng tao ay siya pa? Yung tao pinakahuli kong inisip na gagawa saakin nito ay siya pang may hawak ng baril na pinanggalingan ng bala na tumama sa balikat ko. Sobrang pagkagulat at pagkadismaya ang aking nadama. Yung taong di ko inaasahan, yung taong akalang kong tutulong saakin.

"But why?" nanghihinang  pagkasabi ko sa sarili ko.............

*****boogggshh!!

            Bigla akong nagising sa aking pagtulog sa lakas ng pagkalabog ng pintuan sa kwarto ko,

Tsk yung karoomate ko lang pala, kararating lang. Wait! San naman kaya to galing.

But ang ipinagtataka ko talaga ay kung bakit paulit-ulit ko nalang iyon napapanaginipan. Ang eksaktong pangyayaring iyon ay lagi kong napapanaginipan sa tuwing ako'y natutulog

Ngunit sigurado naman ako na ni minsan ay hindi iyon nangyari sa buhay ko, ni minsan ay wala akong nasaksihan na pangyayaring ganun. Sino kaya yung lalaki sa aking panaginip? Ano kayang ibig sabihin ng aking panaginip?May kinalaman ba iyon sa nararamdaman kong kulang sa buhay ko ngayon?

Sa dami ng tanong ko sa sarili ko ay napagdesisyonan kona na tumayo at dumiretso nalang sa banyo para maligo na dahil kapag hindi pa ako gumalaw ngayon ay siguradong mahuhuli ako sa training ko.

While Im taking a bath, I suddenly remember  yung nasa panaginip ko this morning. Simula kasi nung gumising ako sa ospital noon, 3 years ago ay ganuong panaginip nalang lagi ang napapanaginipan ko sa tuwing ako ay natutulog, pero bakit? Tinatanong ko naman yung parent ko regardings sa dream ko pero yung sabi nila baka Im tired lang daw o baka naghahallucinate lang daw ako.

Sa gitna ng aking pagiisip ay may biglang kumatok sa pintuan ng cr. I'm sure si clare lang yan, yung ka roommate ko.

" Uy tiffany! Bilisan mo na diyan mamaya mahuhuli ka nanamansa training, malalagot ka nanaman kay coach niyan"- claire

Pagkarinig ko ng sinabi niya ay kinalimutan ko na muna ang iniisip ko at dali daling tinapos ang pagligo ko. Pagkatapos ko maligo ay nagbreakfast na agad ako ng kalahating tinapay at isang pirasong  lettufe leaf, right after that ay nagtoothbrush na rin ako.

Bago ako umalis sa kwarto ay tumingin muna ako sa salamin to make sure lang, sabay tingin sa slim kong katawan.

" Rhythmic Gymnast be like" mahinang sabi ko sa sarili ko. Ang hirap kaya imaintain ng 45kg na timbang. Tumaas ka lang ng 0.5 mapapagalitan ka na agad ng coach mo.

Pagkatapos ko icheck ang sarili ko ay lumabas na ako ng dorm ko to face my Rhythmic Gymnast life! Fightingggg!

-----------------end of prologue ♥

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Missing pastWhere stories live. Discover now