Ako na lang sana. (Short poem)

221 0 1
                                    

#HUGOT

Pag di ka nakatingin, ako'y pasimpleng sumusulyap sayo.

Para sa akin, ang iyong mukha ang nagsisilbing liwanag ng araw ko.

Ewan ko kung bakit ba anlakas ng tama ko sayo,

Na kahit lalapit ka lang, lumulundag na sa tuwa ang puso ko.

Nananaginip na balang araw ay maging ikaw rin at ako,

Kinikilig sa bawat masayang alaala na magkasama tayo.

Ngunit, sa tingin ko'y hanggang pantasya't panaginip nalang ang lahat ng ito,

Dahil batid ko'y may iba nang nilalaman ang iyong puso. </3

Sakit ang nadarama sa t'wing siya ang kinukwento mo,

Ngunit, anong magagawa ko? Ako'y isang hamak lang na kaibigan mo,

Kaya, isang pekeng ngiti na lang ang maipapakita ko sayo,

Para mapagtakpan ang sakit na nadarama ng puso kong dumurugo.

Sana'y balang araw ay magising ka sa katotohanang, andito lang ako para sayo,

Handang makinig, maging sandalan at damayan ka sa mga panahong ika'y nalilito,

Hindi ko naman hinihiling na suklian mo ang pagsinta ko,

Basta't lagi mong tatandaan, mahal kita, itaga mo sa bato.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ako na lang sana. (Short poem)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon