this is my first album .. snah magustohan nyu !
CHAPTER 1
“Matagal pa ba sila?” tanong ni Julia sa dalawa niyang kaibigan habang sila’y nakatayo’t naghihintay sa tapat ng sinehan sa loob ng mall.
“Parating na raw si Jasper,” sagot ni Lucy habang binabasa ang text message sa cellphone nito.
Tumunog rin ang celphone ni Claire. “Nasa parking area na raw si Benedict.”
“ Aba! Dala niya ang kotse niya!” kinikilig na wika ni Lucy.
“Sosyal!” dagdag pa ni Julia.
“Si Jasper, dala rin niyang kotse niya?”
“ Sana.”
Hindi naiwasang isipin ni Julia kung ano ang magiging itsura niya kung magkakasama silang lahat at siya lamang ang walang kapares. “Parang ako lang ang walang kapares ah.”
“Ikaw kasi eh,” ani Lucy. “Kung sumama ka sana nung birthday ni Ma’am Hermie. Grabe andaming mga rich guys dun.”
“Paano naman kasi,” rason ni Julia. “Birthday rin ng mama ko sa province. Alangan namang sa ibang party pa ako pupunta.”
“Dumating pa man din yung ipapakilala sana sa’yo ni Ma’am Hermie. Guwapo raw yun.”
Napatingin si Julia kay Lucy. “Talaga? Nakita mo?”
“Hindi nga eh. Umalis agad.”
“May manliligaw ka naman di ba?” Sumali si Claire sa usapan. “Si Andrew.”
Nagsalubong ang kilay ni Julia nang magtawanan ang dalawa niyang kaibigan. “Che! Sa inyo na lang yung kuripot na yun.”
Tumawang muli si Lucy bago nagsalita. “Korek ka diyan. Dapat ang hanapin nating papa yung galante. Like ours. Kita mo ni piso wala kaming gastos pag nagde-date kami, at may car pa. Hindi na kami nakikipagsiksikan sa MRT.”
“Hindi naman sa nagmamayabang,” dagdag Claire. “Tingnan mo naman, we’re all twenty four, old enough to be wise. Ba’t ka pa nagpakatanda ng ganito kung di mo rin lang gagamitin ang utak mo?”
“Ganun?” and tanging naisagot ni Julia. Tatlong taon na niyang kaibigan ang mga ito. Sabay-sabay silang na-deploy noon sa pinapasukan nilang kompanya at mula noon ay sila-sila na ang nagkasama.
“Ay! Andyan na sila!” hiyaw ni Claire. “Sabay pa silang dumating o.”
Nilingon ni Julia ang direksyon kung saan kumakaway si Claire. Pangatlong beses pa lang niyang nakita ang dalawang guwapong binatang mga ito kaya medyo nahihiya pa siya. Nung unang beses niyang makilala ang mga ito ay talagang abot langit ang inggit niya sa kanyang mga kaibigan. Hindi naman nakakapagtaka na magustuhan sila ng mga ito dahil may itsura naman sina Claire at Lucy. Tisay at matangkad si Claire at si Lucy naman ay morena at sexy kahit may kaliitan.
“So, shall we go?” tanong ni Jasper makaraan ang kamustahan.
“Ok, let’s go,” sang-ayon ni Claire. “Baka mag-umpisa na yung show..”